#MSG20
"Momo's POV"
I run so fast para lang maabutan ko si Lorraine at nagtagumpay naman ako.
"Are you okay?"
"Ikaw pala babe."
Ilang beses pa akong kumurap. Agad akong nagtago sa gilid ng pader.
"Is that Rhyi and Lorraine? It's been 1 week lang sila na ba agad?"
Sila na ba...
Sila na..
Sila na...
Sila na...
Agad akong napailing. "No impossible. Si Rhyi magakakagusto kay Lorraine?"
Pero agad nag pop sa isip ko noong unang beses na nakita kong magkita sila sa subdivision. I sigh.
"Momo este Lily! Tama hindi ka na si Momo dahil may pangalan ka na. Tsk. Pasabi-sabi pa siyang ayaw niya kay Lorraine gusto naman!"
I calm my self bago pa makalimutan ang sadya ko. Muli akong sumilip sa pasakay na na si Lorraine sa kotse at ang driver ay si Rhyi. What the F kailan pa siya nagkakotse at natuto magdrive? Ano yung one week one year?
Agad akong tumakbo at nakisakay sa backseat.
"Whoo!" Sabi ko nang makapasok. I feel so odd parang ang hirap na lumusot
Tinignan ko si Rhyi na nakangiti habang nagmamaneho.
"Ngi seryoso ka Rhyi? Teka si Rhyi ka ba talaga bakit ang creepy mo ngayon? OMG sinaniban ka ba ng multo?" Lumapit ako sa kaniya at pinakatitigan siya pero parang hindi manlang niya ako nakita.
"Heloooooo Rhyi nagjojoke ka ba tatawa na ba ako?" At nagwave ako sa harap niya.
"Thanks a lot Rhyi. It was really an coincident but thanks babe, hindi ka ba papasok sa loob? Ipapakilala na sana kita-"
"Time will come at the right moment Lory. We will wait." Napangiwi ako,
'Lory' kailan pa natutong magsalita ng ganito si Rhyi? Ang CREEPY!
Nang maihatid si Lorraine ay nanlaki ang mata ko nang yumuko ito at hinalikan ang pisnge ni Rhyi. Napakurap ako at nahiyang umatras dahil sa gitna ako. Walang galang! May tao sa gitna niyo nagtutukaan kayo! Hinarap ko si Rhyi nang makaalis si Lorraine. Umupo ako sa inuupuan kanina ni Lorraine.
"Pwede mo na ako kausapin Rhyi... Wala na makakarinig o makakakita." Pero hindi parin siya nagsalita.
Kinakabahan na ako,
"R-rhyi 'wag ka naman mag-joke. N-nakikita mo pa ako 'diba?" Halos pumiyok na ako sa huli kong sinabi.
Ito na ba yung kinatatakutan ko?
"O-one week akong nawala Rhyi... W-wag naman ganito oh... M-miss na miss na kita."
My Voice was crack.Malapit ng tumulo ang luha ko kaya bago pa tuluyang dumaloy ito ay bumaba na ako ng kotse kahit umaandar pa. Naiwan ako sa mga sasakyang napakabilis umandar.
Nakatayo lang ako habang dinadaan-daanan ako ng mga sasakyan. Kahit ilang beses nila ako masagasaan, wala namang epekto.
Pero bakit parang nanghihina ako?..
I feel like I'm falling.. But before I fall someone grab my wrist.
"Lian?"
Kumurap ang mata ko pero ramdam ko ang pagbagsak ko sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
My Special Ghost (COMPLETED)
SpiritualMay mga bagay sa mundo na sadyang hindi maipaliwanag, katulad nalang ng isang dalagang nagising at walang maalala. Bukod sa nawawalang memorya hindi siya nakikita ng mga tao sa paligid. Noong una ay hindi maunaawaan ang halaga niya sa lugar na iyon...