"Third person's POV"
Nasa sea wall silang dalawa ngayon, nakaupo sa malaking bato.
"Mahilig ka sa stars?" Tanong ni Momo.
"Yes, sabi ni Renzo the stars shine brighter than the night."
"Kailan pa naging bright ang night ? Ang weird mo rin ha."
"When night falls, the dark becomes brighter, and stars provide light."
"Wala akong ma-gets?" Tumingala si Momo sa kalangitan.
"Hindi ko rin naunawaan agad-agad 'yon." Rhyi just shrug and smile slightly.
"Rhyi, may pinahalagahan ka na ba?"
"Meron naman kaso hindi ko na siya pwedeng pahalagahan pa."
"Ha? Bakit?"
"Dami mong tanong."
Nabitin naman si Momo, pinasya niyang sa bituin na lang tumingin kesa kausapin si Rhyi na hindi matino kausap.
- AFTER ONE WEEK -
"Dave, 'diba sabi mo kapag nalaman ko na kung sino ako mawawala na ako?"
"Yes."
"Bakit... bakit hindi?"
Natigil sa pagbabasa si Dave at tiningala si Momo na nakatayo. Bigla kasi itong nag-aya na makipag usap at sa library niya naisipan dahil ko-konte lang naman ang tao rito.
"May alam ka na?"
Tumango si Momo, walang mangyayari kung ililihim lang at hindi niya kayang mag-isa.
"Si Ma'am--no, Mama Daniela, siya ang mama ko at pinsan ko si Lorraine."
Walang reaksyon si Dave.
"Anong iniisip mo Dave?"
"Hmm? Baka kailangan mo namang malaman ang pagkamatay mo?"
Huminga ng malalim si Momo at naupo sa upuang katapat ni Dave.
"Napag-isipan ko na rin 'yan, yung babaeng sabing ako raw, pupuntahan ko siya."
"Nahihibang ka na nga." Umiiling na sabi ni Dave.
"Delikado pumunta sa sementeryo maraming kaluluwa."
"Kaluluwa na rin naman ako bakit pa ako matatakot."
Biglang nag-alala si Dave, hindi pa ngayon maiintindihan ni Momo, pero sabi ng espiritista na nakausap ni Dave ay mapanganib 'yon para kay Momo.
"Dave ano tutulungan mo ba ako?"
"Momo, Mag-isip ka ng ibang paraan. Hindi kasi maganda 'yan."
"Nakakainis naman eh."
"Bakit hindi ka humingi ng tulong kay Rhyi?"
Napanguso si Momo at umiwas ng tingin.
"Ayoko na kasi siyang istorbohin, Mukha ngang mas mabigat pa ang problema niya kesa sa akin."
"Sa simula palang ang una mong goal ay magpatulong sa kaniya hindi ba?" Naka smirk na ngayon si Dave.
"Hindi ko alam parang ganon na nga."
"Hmm. Okay."
"Wala ka rin kwenta kausap eh!" Padabog na tumayo si Momo at iniwan si Dave na nagbabasa.
![](https://img.wattpad.com/cover/162314141-288-k388667.jpg)
BINABASA MO ANG
My Special Ghost (COMPLETED)
ДуховныеMay mga bagay sa mundo na sadyang hindi maipaliwanag, katulad nalang ng isang dalagang nagising at walang maalala. Bukod sa nawawalang memorya hindi siya nakikita ng mga tao sa paligid. Noong una ay hindi maunaawaan ang halaga niya sa lugar na iyon...