MSG : 23

275 35 8
                                    

#MSG23

"Third person's POV"

Sa araw na 'yon parakiramdam ni Momo may hindi magandang nangyayari, Bago pa man niya maipikit ang mga mata, bumukas ang pinto at inilabas noon ang isang pigura ng lalaki. Lalaki ito dahil sa hugis ng katawan. Unti-unti itong lumapit sa kaniya, siya naman ay pinipilit na iminumulat ang mga mata para makita kung sino iyon dahil blurr ang paningin niya.

"F-fiwu? T-tulong.... "

Bago pa man siya mawalan ng malay ay tuluyan na nakalapit sa kaniya ang lalaking hindi maaninag kung sino ba ito. Marahang naupo ang lalaki sa tabi ng higaan ni Momo at pinagmasdan ang mukha.

"Alam ko na Momo, konti nalang...konti pa. Kaya mo namang maghintay 'diba? Hayaan mo lang ako okay? Aasa pa rin akong magiging ayos tayo kapag naglaho ka-hindi, kahit hindi tayo maging ayos basta makamit mo ang hustisya ng pagkamatay mo. I may not know who are you yet there is someone na magtuturo sa akin. Momo, all I can do is to watch you from a far. Please take care of yourself and I promise to give you an explanation next time we talk."

Umalis na ang lalaki pero nahinto ito bago tuluyang lumabas at nilingon ang nakahigang si Momo.

"This is the safest room for you for now."

Nang makaalis ang binata, ilang minuto bago dumating sina Fiwu at Lian. Hindi mapalagay ang dalaga sa gagawin nila.

"Magiging ayos lang ba siya ha?" Maya't maya ang tanong ni Lian kay Fiwu kung maaapektuhan ba si Momo ng sobra.

"Oo naman, magiging ayos lang siya."

"Saan mo ba siya dadalhin?"

"Sa magandang lugar. Doon magiging mas masaya siya."

Medyo nakampante naman si Lian, binuhat ni Fiwu si Momo at naglaho na ito. Napaupo sa kama si Lian at marahang bumuntong hininga.

"Sorry Momo, para sayo rin naman ito eh. Promise ko sayo na tutulungan kita, mapapagkatiwalaan naman si Fiwu."

Usal ng dalaga sa hangin na akala mo'y maririnig ni Momo ang sinasabi niya.

Samantala nakarating na si Fiwu sa isang lugar.

"Fiwu!!" Dumagundong ang boses ng nilalang.

"Konting panahon lang po!"

"Nasisiraan ka na ba? Nang dahil sa makasalanang multo na iyon ang dami mo na nilabag na rules! Gusto mo ba talaga makita ang magulang mo? O gusto mo na maging tao?! At nangingialam ka pa sa iba? Teka, dapat buhay na 'yan ah... Oh holy bird, dinelay mo ang buhay nia? Fiwu gusto mo na bang maglaho?! Hindi pa ba sapat ang pagpapahirap mo sa mortal na 'yan?"

Agad na lumuhod si Fiwu habang buhat buhat si Momo na walang malay.

"Please have mercy and let my plan goes well."

Napahilot sintido ang nilalang.

"Give me one reason."

"Lian, alam kong makasalanan siyang multo. Maling ala-ala ang sinabi ko sa kania. Masama siya at napakalupit sa iba. Bakit? Masama bang magbigay ng isang pagkakataon? Nung nakilala ko sia, nakita ko ang sarili ko. Ramdam kong gusto niyang humingi ng tawad sa magulang niya pero huli na ang lahat. Kasi walang tumulong sa kaniya!"

"Hindi sap-"

"MAHAL KO SIYA!" Sigaw ni Fiwu, hindi makapaniwalang tinignan siya ng nilalang.

"Kaya mo bang-"

"Kakayanin ko para sa kaniya."

Napailing ang nilalang at ikinumpas ang kamay at naglaho si Momo gayon din si Fiwu.

"Pag-ibig nga naman..." Iling nito.

Sa isang banda ay halos mapatalon si Lian dahil sa sumulpot ito harap niya.

"F-fiwu... Ginulat mo ako tanga ka ba?!" Agad niyang sigaw sa mukha nito. Pero nagulat siya nang haplusin nito ang mukha niya.

"Finally, mabubuhay ka na." Ngiti nito.
Sa sinabi ni Fiwu ay umasa siya pero alam niyang mali ito.

"T-teka asan si Momo?"

"Paulit ulit?" Ngisi ni Fiwu na agad naman inirapan ni Lian.
Napangiti si Fiwu ng lihim. Ang cute mapikon ng dalagang nasa harap niya.

"Tara na Lian, puntahan na natin si Lily."

Tumahimik si Lian at sumunod kay Fiwu.

"Fiwu, wala ba talaga akong maaalala?"

Nginitian siya ni Fiwu.

"Wag ka mag-alala, palagi akong nasa tabi mo."

"P-promise?"

Tumango ng marahan si Fiwu.

"A-ano kayang feeling ng mabuhay muli?" Mahinang bulong ni Lian na hindi naman nakalusot sa pandinig ni Fiwu.

Huminto si Fiwu at hinawakan si Lian sa kamay.

"B-bakit?"

"Tara na kung nasaan si Lily."

Bago pa man makaangal ay parang umikot paningin ni Lian ng maglaho sila.

Magsisimula na ang lahat. Si Lian na magbibigay buhay sa katawan ni Momo. Napangiti si Fiwu, magagawa na ni Lian na magbago.








"Momo's POV"

Ang dilim, asan ba ako? Teka nakatayo ako? Hinakbang ko ang mga paa ko at nangapa sa dilim. Nakakabingi ang katahimikan. Unti-unti na akong kinabahan...

P-patay na ba ako?

Parang nakuryente ang buo kong katawan, nanginginig ako sa takot. Naririnig ko na ang tibok ng puso ko.

"M-ma...." Nauutal kong bigkas pero walang boses na lumalabas.

Sinubukan kong tumakbo ng mabagal pero bumilis ng bumilis dahil parang may humahabol sa akin.

"Nyaaaaaa!" Feeling ko may kung ano ang humihigop sa akin.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nawala ang kaba sa aking dibdib at namangha sa lugar. Napakalawak na hardin, iba't-ibang uri ng mga paru-paro ang dumadapo sa iba't-ibang uri ng halaman. Agad akong napangiti at lumapit sa mga bulaklak.

"Nagustuhan mo ba?" Nilingon ko ang nagsalita pero napakaliwanag sa parteng mukha niya.

"Sino ba naman ang ayaw?" Ngiti kong sagot at muling itinuon ang paningin sa nagagandahang bulaklak.

"Gusto mo bang manatili rito?" Napahinto ako.
Bumuntong hininga ako at marahang inamoy ang bulaklak.

"Siguro, gusto ko muna mapag-isa. Pagod na pagod na rin kasi ang puso ko."

Pinikit ko ang mga mata ko.

Pagod na din ang katawan ko, pagod na akong lumaban kahit kailan naman hindi na ako mabubuhay pa. Ni hindi ko nga alam kung anong mangyayari kung sakaling mabuhay ako na what if makalimutan ko nalang ang lahat?

Ano pang rason para mabuhay ako?

"Bakit hindi ka magpahinga?"

"Pwede ba akong magpahinga dito?" Teka siya ba ang may-ari nitong napaka-gandang hardin?

"Pwede naman pero kapag-nagtagal ka mananatili ka na rito habang buhay."

Hindi ako nagsalita. Inilibot ko ang tingin ko sa kapaligiran. K-kung nabubuhay lang sana ako, gusto ko magpagawa ng ganito. Ayoko muna mag-isip ng kung ano-ano. Gusto ko lang muna mapa- isa at maging tahimik. Maganda ang lugar na ito, napakaganda. Para akong nasa paraiso, malayo sa sakit at lungkot sa tunay na mundo.



To be continue...






My Special Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon