MSG : 16

314 43 5
                                        

#MSG16

"Third Person's POV"

Kanina pa nakaupo si Momo sa tapat ng gate ni Rhyi. Hindi muna siya papasok sa loob. Hindi niya alam pero feel niya dito lang sa labas mag-stay at nang may asong dumaan hindi maiwasang mapangiti, 'minsan nga madalaw si Lilies at Mama.'

Napatingin si Momo sa lalaking may dala ng mga sulat at naglagay sa mailbox malapit sa gate ni Momo. Bago ito ilagay ng lalaki at tila ba sinsilip kung may tao. Dahil sa kuryusidad ni Momo ay tinignan niya ang sulat sa labas ng papel at may maliit na box pa.

"HAPPY BIRTHDAY KING."

Napakurap si Momo, birthday ngayon ni Rhyi? Umalis na ang mensahero kaya napaisip si Momo. Birthday ni Rhyi kaya nakaisip siya na surpresahin ito, mukhang hindi kasi tipo ni Rhyi ang mga party.

Nang makitang bumukas ang pinto ay nagtago si Momo sa kabilang bakod. Tinignan ni Rhyi ang medyo nakabukas na mailbox dahil may nakaharang. Ito yung gift na box, pero tinignan lang at umalis na din.

Napairap si Momo.

"Tsk. Arte buti nga siya may nakaka-alala pa ng birthday kahit mag isa lang siya. Hindi ko lang kasi maintindihan, bakit kailangang lumayo sa ibang taong nagmamahal naman sa kaniya? Rhyi abnormal ka alam mo yun?" She mumble sa malayong pigura ni Rhyi.

"Siguro mas weird yung multong nagtatago at pabulong bulong. Feeling alive."

"Ay palaka kang kalbo!" Nilingon ni Momo ang nanggulat sa kaniya at si Dave ito na nakataas kilay.

"Gawin mo na ang dapat mong gawin." Sabi pa nito sa kaniya.

"Tss. After ng gagawin ko kaya pwede tulungan mo ako?" Nag-puppy eyes si Momo.

Napa facepalm ni Dave.

"Momo last mo na 'yan ha. Nauubusan ka na ng oras, sana alam mo."

"I know, yes! yes!"

"Anong meron?" Tanong ni Dave.

"Birthday ni Rhyi."

Tumango si Dave pero may pag-alangan.

"Tara na." Aya ni Momo.

"Nga pala Dave, bakit ka dumaan dito?"

"I was hoping na makita kita?"

"Eww creepy."

"Asa. I mean is, may importante akong sasabihin sayo. Bago ka gumis-maglaho sana mapabago mo si Rhyi, kung tatanungin mo kung bakit ikaw, sa nakikita ko ikaw lang ang may kakayanan makagawa no'n."

Tumango si Momo. Andami niyang problemang nadulot ng hindi namamalayan. That accident, actually hindi naman talaga accident.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Dave sa kaniya.

"Si Rhyi, kamusta siya n'ong wala ako?"

Umismid si Dave bago nagsalita.

"Palagi siyang nasa Library at kasama si Lorraine." Natahimik si Momo. Inaasahan na niyang mangyayari iyon pero bakit hindi siya natutuwa?

Hindi pumasok si Dave at dumeretso sila sa Mall. May tinawagan pa si Dave at ilang minuto hingal na dumating si Rhea na naka Uniform pa

"Dave! Sigurado ka ba? Baka magalit yun!"
Nag-aalalang sabi ni Rhea.

"Hindi 'yan. Tara na." Naauna maglakad si Dave.

"Pagpasensyahan mo na siya Rhea, Menopause lang 'yan at idol si Rhyi." Sabi ni Momo kay Rhea, kahit hindi naman siya nito naririnig. Narinig siya ni Dave at tanging irap ang ginanti nito.

My Special Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon