MSG : 22

354 44 8
                                        

#MSG22

"Third Person's POV"

"Kamusta? Nalasing ka naman ba?" 'Yan ang bungad ni Lian kay Momo na matamlay na nagmulat ng kaniyang mga mata.

"Lian.... I feel like I am sick."

Imbis na seryosohin ay tinawanan lang siya ni Lian.

"O c'mon talagang sick—sucks na makita yung taong gusto mo na kasama ang kapatid mo. Take note tao sila multo ka so grabe yung sakit! pffft hahaha!"

"Geez nakakainis kayong dalawang ni Fiwu!"

"Nakakainis ako dahil nagsasabi ako ng totoo at nakakainis si Fiwu dahil hindi ka niya nakayanang mapainom ng alak. Nice Momo applause, applause!" Sarcastic na sabi ni Lian habang mahinang pumapalakpak na umirap sa huli.

"Haist oo na, oo na damn it!"

"Shall I call you Lily?"

"Lian you're getting annoying alam mo?"

Lian just shrug.

"Ang multo hindi nasasaktan o nilalagnat kaya 'wag mo akong pinaglolokong nilalagnat ka. Lovenot baka pwede na. Arte nito, d'yan ka na nga muna, inform mo ako kapag kailangan mo ng tulong."

Smirk nito sa kaniya. Momo just sigh.

"Totoo naman kasi feeling ko nilalagnat ako. Ghost can't feel anything daw eh ano tawag mo sa akin? Multong hilaw?" Kausap sa sarili niya at nakanguso na sa inis.

Tumingin siya sa kisame.

"Lovenot? Lovenat kamo tsk. Pero seryoso bigla nalang akong nanghihina out of nowhere. Napaparanoid lang ata ako."

Iling ni Momo at pumikit.

Samantala tumaas ang kanang kilay ni Lian nang makitang seryosong nakapamulsa sa gilid ng pader si Fiwu at nakatingin sa kaniya na para bang alam na lalabas siya sa silid kung nasaan si Momo.

"Oh bakit?"

"Let's talk about her condition."

"Bakit hindi mo sa kaniya mismo sabihin?"

"Lian, there are times na kailangan siya lang ang tumulong sa sarili niya. It's her choice kung babalik pa siya o hindi na. No one knows kung anong mangyayari." Kibit balikat nito at naglakad papunta sa sala.

"Ano ba kasi 'yan? Seryoso ba?"

Nilingon ni Fiwu si Lian na nakasunod sa kaniya.

"Akala ko hindi ka interesado?" Nakangisi itong bumaling sa kaniya.

"Kailan ko sinabi?"

"Yeah right. Okay this is the situation...."

Umupo sa couch si Fiwu at ganun din si Lian. Nasa condo sila ngayon, bagama't maliit lang ay sasapat naman iyon sa kanilang tatlo.

"The moment na magising si Momo at walang maalala ilang days or weeks bago nag wonder ang kaluluwa niya I mean is napaka komplikado ang isang katawang tao at sagrado ito. Once na mamatay o manghina ang katawan ng tao yung spirit at katawan ay parang magnet na magkabaligtad ang dikit. Mahirap na madikit o maibalik. Nawawalan ng essence ang katawan at nahihirapang huminga, una dahil sa kawalan ng hangin at ang 'di mapaliwanag na dahilan ay ang pangyayaring mabubuksan ang spiritual sense at nahihiwalay ang spirit sa katawan."

"Cool." Lian's compliment.

"Hindi 'yon cool dahil delikado 'yon. Did you ever heard the Lucid dream? Parang ganun, but in other way dahil hindi mo mapipigilan ang pangyayari. Kapag magtagal na nawalay ang katawan sa spirit nawawalan na ng saysay ang katawan, depende nalang kung may sasapi dun para bigyang buhay. Alam mo ba ang exact date na nag-exist ang kaluluwa niya?"

My Special Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon