MSG : 11

395 56 7
                                        

"Third Person's POV"

Nanghihinang napaluhod si Lian, nilapitan siya ni Momo.

"Lian ipaliwanag mo sa akin kung anong nakita ko kanina." Bumalik sa normal na anyo na ito.

"I'm a demon, sabihin na nating sinangla ko ang kaluluwa ko sa demonyo para manatili sa mundong ito. That's why I can do normal things but temporary lang."

"Bakit?"

"I have to Momo, may multo na akong nakasalamuhang tulad mo and she need my help. Sabi ko 'diko na uulitin pa pero  nagawa ko ulit. Naprotektahan naman kita 'diba?"

Nakangiting sabi nito. Umiling si Momo.

"Lian, paano ka na?"

"I'm a demon already, mag-alala ka sa sarili mo."

"Lian yung mga multo bakit kinukuha ng mga naka itim?"

"Sa impyerno sila mapupunta." Napalunok sa takot si Momo.

"Lian, hindi ka dapat nakikipag-kaibigan sa tulad niya! ikapapahamak mo lang."

Napalingon si Momo sa nagsalita sa likod ni Lian. Agad na inalalayan nito si Lian at matalim na tinignan si Momo. Lalaki ito at isa ito sa lalaking nakaitim.

"Fiwo, Just this once, don't harm her."

"Shut up Lian."

Paalis na sana ang mga ito nang pigilan ni Momo.

"Sandali! Anong ikapapahamak? wala naman ako gagawin kay Lian kasi magkaibigan kami."

Binalingan siya ng lalaki, hinipo ng lalaki ang noo ni Lian, nawalan ito ng malay at kinarga niya na bago nilapitan si Momo.

"A-anong ginawa mo kay Lian?!"

"Calm down, ayos lang siya pero ikaw hindi."

"Pwede pakilinaw ng sinasabi mo? Hindi kita maintindihan!"

"Maiintindihan mo someday kapag nakita mo na ang katawan mo. Such a pity, Makakalimutan mo ang lahat ng ito kapag nagising ka na, kaya bilisan mo madaming naghihintay sa iyong pagbabalik." Sa pagkurap ni Momo ay nawala ang kaharap.

"Momo!" Napaluhod si Momo dahil sa panghihina. Sino ang tumawag sa kaniya?

"Rhyi? Anong ginagawa mo rito?"

Umiling si Rhyi at tinignan si Dave na kasama nito.

"Momo, kaya mo bang lumakad? Hindi ka namin mabubuhat eh."

Tumango naman si Momo at naglakad kahit nahihirapan.

"Paano niyo nalamang andito ako?"

"Basta. Ikaw ano ba kasi iniisip mo? Alam mo na ba kung sino ka? I will help you." Sabi ni Rhyi. Saglit na huminto sa paglalakad si Momo at tinignan si Dave kung sinabi ba nito, nagkibitbalikat lang si Dave.

"Nevermind." Nakayukong sabi ni momo.

Ayaw niyang sabihin kay Rhyi. Hindi na nga niya nakita ang katawan, napahamak pa si Lian.

























NANG makarating sila sa bahay ni Rhyi ay nakahiga lang si Momo sa couch. Wirdo siyang tinignan ni Rhyi kaya tinaasan niya ito ng kilay.

"Bakit?"

"Promise me one thing."

"Ayoko nga, bakit muna?"

"Just promise!"

My Special Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon