MSG2 :
“Momo POV”
Nasa gilid ako ng kalsada malapit sa University kung saan nagsa-summer si Rhyi, Maulap ngayon at mukhang uulan pa.
Nakamasid ako sa kalangitan at dinadama ang hangin na tumatagos din sa akin. Normal na hangin at walang lamig akong nararamdaman. Inangat ko ang kanang kamay ko para saluhin ang ulang pumatak, kaso tumagos lang ito. Nakangiti ako habang inaangat ang kaliwa kong kamay at tumingala sa taas. Hindi ako nababasa at natatamaan ng ulan, hindi ako magkakasakit. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinadama na kunyare nakakaramdam ako."Hindi ka mamabasa 'wag ka umasa."
Napangiti ako at naimulat ko ang mga mata ko. Si Rhyi ito na may dalang payong at pinapayungan ako. Mukhang nagmamadali pa siya.
"Talaga? Bakit mo ako pinayungan?" Tinaas-taas ko ang kilay ko na siyang ika-kuno't noo niya at kinuha ang cellphone niya at tinapat sa tainga.
"Assuming ka talaga kahit kailan."
Nag tongue's out nalang ako sa sinabi niya at napalingon ako sa likuran nang may tumawag sa kaniya.
"Kuya Rhyi! Pa-payong!"
Sigaw nito at akmang susukob ay inilag ni Rhyi ang payong na ik-nguso nito. Tinitignan ko lang silang dalawa.
"Mababasa ako!"
"May payong ka naman."
"Kuya naman! Kung andito lang si Renzo magagalit 'yon sa'yo!"
Biglang tumahimik si Rhyi at parang nagulat 'yong babae at yumuko.
"S-sorry...."
"Umuwi ka na, may pupuntahan pa ako."
Seryosong sabi ni Rhyi. Anong meron at ang awkward ng outmosphere? Sinilip ko si Rhyi na tinatanaw ang lumalakad na papalayong babae na nakayuko at nababasa.
"Puntahan mo kaya 'yon at habulin, kung ako lalaki hindi ko siya hahayaang mabasa, malay mo magkasakit siya, ikaw rin."
Sabi ko sa kaniya sa nango-ngonsensiyang tono. Hindi niya ako pinansin kaya ngumuso nalang ako at tinignan ang babae tapos may lalaking pumayong sa rito.
"Aw, may lalaki rin palang mabuti ang kalooban hindi tulad ng isa d'yan. Paasa..."
Diniinan ko talaga yung last word. Pero tinignan lang ako ni Rhyi,
"Tamo 'tong lalaking 'to nagpapacool na naman, Ni wala manlang salitang sinasabi, aba galang naman sa nagsasalita dapat may response kahit baduy!"
BINABASA MO ANG
My Special Ghost (COMPLETED)
SpiritualMay mga bagay sa mundo na sadyang hindi maipaliwanag, katulad nalang ng isang dalagang nagising at walang maalala. Bukod sa nawawalang memorya hindi siya nakikita ng mga tao sa paligid. Noong una ay hindi maunaawaan ang halaga niya sa lugar na iyon...