#MSG28
"Lily's POV"
I remember, may sakit ako kaya ako umuwi ng Pilipinas pero bakit umabot sa ganito? Ang daming nangyari.
"Lily, finally discharge ka na, so saan mo gusto pumunta?" Hinarap ko si Bree,
"Asan yung dalawa?" Nilingon ko ang likuran niya.
"Huh? Ah may pinapagawa ako?" Lumapit siya sa akin sabay tapik ng aking balikat.
"Tara na sa Bahay."
"Aling bahay?" Makahulugan niyang tanong kaya napangiti ako.
"Puntahan natin si Mrs.Duela?"
Habang nasa biyahe kami hindi ko maiwasang mapaisip na hindi na ba talaga ako magtatagal? Ang unfinish business ko ba ay ang makasama si Mama?
"Hoy babae andito na tayo."
Nilingon ko si Bree na bumaba na ng kotse.
"Ang bilis naman?"
She just smirks.
"Nakalimutan mo atang top 5 ako sa field?"
I roll my eyes bago bumaba. I wonder kung may violations na naman ito,
*dingdong*
Ilang sandali pa ay bumukas ang gate.
"Sino ho sila?" Bumungad sa amin ang katulong.
"Ako po yung tumawag kanina." Sabi ni Bree at inangat ang phone niya.
"Ah pasok po kayo." Sabi nito kaya pumasok na kami. I never thought na makakapunta muli ako rito.
"Ma'am andito na po yung bisita niyo."
Nang makarating kami sa sala ay napako ako sa kinatatayuan ko.
"L-lily... " Unti-unting nanumbalik ang kirot sa dibdib ko. Ang babaeng kay tagal ko hindi nakasama, at ang dahilan ng pagbabalik ko...
"M-ma..." Malalaking hakbang ang ginawa ko at agad siyang niyakap.
"T-totoo ba ito? Jusko b-buhay ka!" Umalog ang balikat niya, alam kong umiiyak siya, ganon din ako.
"M-ma..." I'm so lost in words, all I want is to cry while calling her 'Ma'.
"Oh siya kumalma muna tayo." Inalalayan niya akong makaupo, hinaplos ang pisnge ko.
"S-saan ka ba nagpunta? S-sabi nila patay ka na pero hindi ako naniniwala sabi ko na nga ba buhay ka pa. Hindi ka mamatay!"
Suminghot ako at basag ang boses na nagsalita. Look at her pretending to be strong, she's crying while smiling.
"M-ma... S-sorry..."
"Shhh... Ang mahalaga ay buhay ka! Buo kang bumalik sa akin, that's all I want my daughter."
Hinaplos niya ang buhok ko at pinahid ang luha. Matagal tagal din kaming nag-usap. Sinabi ko sa kaniya ang lahat maliban sa part na naging multo ko.
BINABASA MO ANG
My Special Ghost (COMPLETED)
SpiritualMay mga bagay sa mundo na sadyang hindi maipaliwanag, katulad nalang ng isang dalagang nagising at walang maalala. Bukod sa nawawalang memorya hindi siya nakikita ng mga tao sa paligid. Noong una ay hindi maunaawaan ang halaga niya sa lugar na iyon...