"Third Person POV"
"Gusto mo na siya, ayaw mo lang aminin sa sarili mo tama?" Napayuko si Momo, nahihiya siya.
"Hindi ko sinabing pagkatiwalaan mo ako at hindi ko sinasabing mabuting multo ako, ang gusto ko lang ay manahik at antayin ang pagbabalik ng aking ina. Nakikita ko ang kapatid ko sayo kaya 'wag kang matakot na may gagawin akong masama."
Ngumiti siya rito dahil nakampante sa sinabi ng multo.
"Salamat."
"Oy. 'Wag kang magpasalamat." Naka-cross-arm nitong sabi.
"Err. Hindi ko kasi alam, hindi tama na mahulog o magkagusto ako sa kaniya dahil tao siya multo ako."
"Ah that sucks."
"Yeah."
"Gabi na, ihahatid na kita kung saan ka man nakikituloy."
"Eh? Bakit?"
"Madaming masamang multo na nakamasid, believe me or not baka maging multo ka na habang buhay."
"Huwag ka ngang manakot!" Nakangusong sigaw ni Momo ngunit tumawa lang ito.
"Lian, may kilala akong tao na pwede kang matulungan..."
"Huwag mo nang tangkain pa Momo dahil ayokong bumalik si ina dahil inutos ng ibang tao, babalik naman siya kung gugustuhin niya."
"Woah ang bait mo pala?" Mapang-asar na sabi ni Momo. Ngumisi ang katabi,
"Not at all."
"Doon na ang pupuntahan ko." Tinuro ni Momo ang bahay ni Rhyi na natatanaw na nila.
"Sige pumunta ka na, hanggang dito lang ako."
"Ah sige! Ba-bye Lian!"
Masayang paalam ni Momo.
"Saan ka galing?" Bumungad sa kaniya si Dave na nakapamewang.
"Dave ano na naman bang kaila—"
"Listen. 'Diba sinabi ko na huwag kang makikipagkaibigan sa ibang multo dahil hindi mo sila katulad!"
"Ha? Mabait kaya si Lian!"
Nagtataka naman si Momo, nakita ba nito na kausap niya si Lian? Sinusundan ba siya nito?Madilim ang mukha ng binata.
"Dave parang nagma-matured ka ngayon, tapos medyo tumatangkad ka rin." Pag-iiba sa topic ni Momo.
"Stop the nonsense you Ghost."
"Yeah whatever Dave."
Medyo naaasar na rin si Momo dahil parang tatay kung umasta ito.
"Alam kong may date kayo ni Rhyi, huwag kang tumuloy."
"Ha? Bakit?"
"Basta huwag."
"Hoy ang weird mo na ha! Sandali nga bakit kita dapat sundin? Hindi naman kita kuya at lalong hindi kita tatay 'no!"
"Kasi nga iba ka!" Natulala sandali si Momo,
"Ano bang pinagsasabi mo?" Kumunot noo si Momo.
"Kanina mo pa sinasabi na naiiba ako sa multo... multo rin naman ako-"
BINABASA MO ANG
My Special Ghost (COMPLETED)
SpiritualMay mga bagay sa mundo na sadyang hindi maipaliwanag, katulad nalang ng isang dalagang nagising at walang maalala. Bukod sa nawawalang memorya hindi siya nakikita ng mga tao sa paligid. Noong una ay hindi maunaawaan ang halaga niya sa lugar na iyon...
