MSG5 :
"Third person's POV"
Bumuntong hininga si Rhyi bago ito nagsimulang iguhit ang letter 'R' gamit ang puwet niya. Pinipigilan naman ni Momo ang kaniyang pagtawa dahil nakabusangot na si Rhyi. Hanggang sa matapos niya itong gawin, Heto at walang humpay ang tawa ni Momo. Pasalampak na umupo ito sa sahig, ngiting natumpay naman si Momo dahil nagawa niyang utusan ito.
Iniikot naman ni Rhyi ang bote at napangising malawak ang kaharap.
"Ano?"
"Kalma pare! Hahaha! Truth, Sinong crush mo? Si Lorraine o ako?"
"What kind of question is that?"
"Pili na tagal!"
"Lorraine tsk."
"Sus ayaw mo lang sabihin na ako!"
Nagsmirk lang si Rhyi sa kaniya, Sabagay mas maganda nga naman si Lorraine kesa sa kaniya.
"Oh ano ka ngayon."
May tuwa sa labi niya. Sa wakas makakaganti siya sa kaharap nang tumapat ang bote rito.
"Uminom ka ng sampong basong tubig."
Nanlaki ang mga mata ni Rhyi, bahagyang natawa si Momo, akala ba nito ay nagbibiro lang siya? Huh! Nagkakamali ito dahil nagsisimula pa lang si Momo.
"Y-you are unbelievable! Dalawang baso nga 'di ko na kayang ubusin sampo pa kaya?"
Umiling lang siya at pinagmasdan si Rhyi na panay ang lunok ng laway. Pagkuway tumayo ito kaya't sinundan niya ito na magtungo sa kusina. Naglabas ito ng pitsel at nilapag sa lamesa at nagsalin ng tubig sa baso.
1.... Kayang kaya.
2.... Kaya pa
3...... Medyo napangiwi na
4. ..... Pahinto hinto na siya sa pag inom
5. ....... Namumutla na siya at may natatapon nang tubig sa bibig.
Medyo kinakabahan na si Momo, parang may kakaiba sa lalaki....
6......... Pinagpapawisan na at tila gusto na isuka ang nainom,
Napakagat labi naman si Momo. Kakayanin kaya nito?
7------ "Rhyi ! Naka Sampong baso ka na! Hahaha ang galing! whooo!"
Inangat ni Rhyi ang tingin sa kaniya. Pero hindi ito nagsalita parang na-guilty tuloy siya. Alam niyang pang pito'ng baso pa lamang yun-at alam din niyang hindi kakayanin ni Rhyi. Kung ano man ang dahilan, 'yon ang hindi niya alam.
Nanghihinang naupo si Rhyi sa tabi ng mesa. Nagulat naman si Momo at agad nilapitan si Rhyi.
"Huy! D-dapat sinabi mong hindi mo kaya!"
Hindi nagsalita si Rhyi at nanatili itong nakatungo. Hindi niya makita ang reaksyon nito dahil natatabunan ito ng buhok.
Sobrang na guilty si Momo at wala siyang magawa kundi ang pagmasdan ang kaawa-awang si Rhyi. Sana hindi niya nalang ito pinagawa.
-
Kahapon pa tahimik si Rhyi, hindi naman magawang kausapin ito ni Momo dahil guilty pa rin siya. Sunod-sunod siyang napa-buntong hininga at pinagmasdan si Rhyi na paalis ng bahay.
Wala na ang bagyo.
"Ano bang gagawin ko para makabawi sa'yo?"
Bigla ay naalala niya na pinili nito si Lorraine kesa sa kaniya, matapos ay naalala niyang nginitian nito si Lorraine noong magkita sila sa subdivision at iaabot nito ang aso ni Lorraine.
BINABASA MO ANG
My Special Ghost (COMPLETED)
EspiritualMay mga bagay sa mundo na sadyang hindi maipaliwanag, katulad nalang ng isang dalagang nagising at walang maalala. Bukod sa nawawalang memorya hindi siya nakikita ng mga tao sa paligid. Noong una ay hindi maunaawaan ang halaga niya sa lugar na iyon...