MSG : 6

390 71 18
                                    

MSG6 :

"Third person's POV"

Maganda siya kahit may edad na, marahan siyang bumaba pero walang sigla sa mga mata. I feel sad, 

"Oliver? anong ginagawa mo rito?"

Nakakunot ang noo ni Lorraine na parang kinakabahan siya.

"Ipaghanda mo muna ang bisita mo anak, iho maupo muna tayo."

Sabi ng babae at pinaupo niya yung lalaking  nakangiti kay lorraine. Umalis na si Lorraine para siguro bigyan ng pagkain ang bisita.

"Iho ano 'yong sinasabi mong may kuya kang pulis at may sasabihin ka?"

"Mrs. Daniela Duela, this afternoon habang pauwi si kuya sa bahay, napagpasyahan niya munang dumaan sa isang lugar pero nawalan siya ng gasolina sa may malapit na abandonadong bahay at may naamoy na sobrang baho kaya pinuntahan niya ito dahil hindi lang basta masangsang na amoy kundi—amoy ng taong p*tay-----"

"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan?"

Bahagyang tumaas ang boses ng ginang,

"Mrs.Daniela pala ang pangalan niya..." Nawika ni Momo.

"And your daughter named Lily Jhanz Duela—Natagpuang bangkay sa abandonadong bahay."

Napalunok sa awa si Momo nang magsimulang pumatak ang luha sa mata ng ginang. Nakarinig din ito ng bagay na biglang nabasag.

"Paano niyo nasabing siya ang anak ko? wala kayong ebidensiya!"

"May mga identification card pong natagpuan, mga belongings pa na pwede niyong makita except sa phone or credits cards ay mukhang wala."

"Anong ginawa mo sa mama ko?!"

Agad na tumakbo papunta si Lorraine sa babae. Niyakap niya ito at galit na tumingin sa lalaki.

"Your sister is dead..."

Napalitan ng gulat ang ekspresyon ni Lorraine, nakamasid lang si Momo rito.

"Ang anak ko! huhuhu!" Iyak ito ng iyak.

Hindi namalayan ni Momo na humihikbi na pala siya, Kahit sinong makakita sa lagay nila mahahabag ang kalooban. Ngayon ay napagtanto ni Momo na ganito pala kahirap ang pinagdadaanan ni Lorraine.

Hindi umalis si Momo at pinagmasdan lang sila. Bigla nitong napaisip kung ang pamilya ba niya ay ganito rin na nag-aalala sa kaniya.

"Ma, ihahatid muna kita sa room mo."

Pumayag ang ginang, sumunod naman si Momo sa kanila. Nang maihatid ni Lorraine si Mrs. Daniela ay agad niya itong niyakap kahit hindi mahawakan.

"Payakap na lang po, naaawa kasi ako sa inyo."

"A-ang lamig..." Sabi nito at nagkumot.

Napalabi siya,

"Kawawa naman ang ginang. Asan ba ang asawa nito? Si Lorraine na lang ang natira sa kaniya."

Bumaba na si Momo ng hagdan,

"Gusto kong tulungan ang ginang pero paano?"

"Ang galing.... Nagawa mong ipatanggal ang bakas ng kapatid mo rito."

"Stop it Oliver it's not funny."

"Pasalamat ka nga dahil tinulungan kitang mapadali ang lahat. Ngayong nalaman na ng ina mo na wala na ang kapatid mo—"

My Special Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon