MSG : 27

310 26 9
                                        

#MSG27

“Lily's/ Momo's POV”

I think kontento na ako sa payapang paligid na ito, wala na akong mahihiling pa.

"Ayaw mo na ba talaga bumalik?"

Ayaw ko na ba? Inilibot ko ang tingin sa malawak na hardin.

"Ayaw---" Magsasalita pa ulit sana ako nang may narinig akong mga boses.

"Lily wake up! Holy shit please wake up!"

"Lily please hang on!"

"Lily!"

Nilapitan ko ang lalaking nakaputing nakatalikod sa akin.

"Bakit nila ako tinatawag? Sino sila?"

"Ang mga tulad mo unti-unti nawawalan ng ala-ala hanggang sa hindi na makaramdam ng sadness, happiness, fear, anger, surprise and disgust,  Hanggang sa dito ka na manahan. But you are different you are not suppose to be dead. Ang alaala mo rito ay mabubura dahil walang sinuman ang pinapayagang maglahat ng pangyayari sa lugar na ito bukod sa pagsabi na isa itong paraiso. Ang mga boses na naririnig mo, sila yung mga taong nag-aantay ng pagbabalik mo. Ngayon...."


Humarap siya sa akin at ganon nalang ang gulat ko.

Fiwu...

"...Babalik ka pa ba? Gusto mo na bang tapusin ang iyong karera o ipapagpatuloy mo pa?"

"P-paano ba ako makakabalik?"

Mataman siyang ngumiti sa akin.

"She's right, Kapag may isang tao ang bumalik, babalik lahat sa dati."

Hindi ko siya maintindihan pero maghihintay ako. Alam kong mas maganda ang lugar na ito pero may mga taong nag-iintay ng pagbabalik ko. Hindi ko pa naitatama ang mga pagkakamaling nagawa ko.

Ilang saglit pa biglang lumiwanag ang ang pagitan ng dalawang malaking bato  kaya napapikit ako.

"Andito na ang taong inaantay mo."

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Bumungad sa aking ang isang dalaga, nakatingin ito sa akin na parang galit. Okay? She's not Lian if she's smiling.


Bubuka palang ang mga labi ko upang magsalita nang tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako.

"Momo, Sorry... Sorry... Hindi ko alam na aabot sa ganito. You can hit me dahil ninakaw ko ang katawan mo!"  Umiiyak siya, Hinagod ko naman ang kaniyant likod.

"Alam ko na ang lahat Lian 'wag ka magalala ayos lang sa akin ano ka ba? Akala ko nga hindi mo na ibabalik ang katawan ko eh hahahaha!"

"You're so cruel like him! Paano kung hindi ko na nga ibalik?"

"Then it's okay if it is you. I know mamahalin mo sila ng higit sa pagmamahal ko."  Humiwalay siya sa yakap at mahina akong sinapak.

My Special Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon