Chapter 1: Meet the School Bitch

1K 18 1
                                    

"Ano ba yan?! Ang liit naman ng alaga mo."

Reklamo ko dito sa ka-make out ko. Inayos ko naman ang sarili ko. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse. Napakunot ang noo nya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tss. What a face!

"What?! Maliit pa 'to para sayo? Lahat nga ng babae gustung-gusto ako dahil malaki ang alaga ko tapos para sayo maliit 'to?"

Hindi makapaniwalang sabi ni Eric habang pinalalandakan sakin ang tayong-tayo nyang alaga. Gusto kong matawa nang malakas pero syempre hindi ko ginawa. Duh. Ang epic masyado ng mukha nya.

"Yeah"

Bored kong sagot sa kanya. Lumabas na ko ng kotse nya at iniwan syang nakanganga. Actually malaki nga ang ano nya pero dinahilan ko lang yun kasi ayoko namang ibigay sa kanya ang pagkababae ko. Like duh? Ang ganda ko naman masyado para ibigay sa kanya yon at sya ang makauna sakin. In his dreams! Isa lang sya sa mga laruan ko. Bored lang ako kanina kaya pinatulan ko.

Ako si Alex Freya Marvida. Mayaman, maganda, sexy. Binansagang "School Bitch" sa school ng mga inggitera. But well, pinanindigan ko na yang tawag sakin. So, don't ever dare mess up with me cause I will make your life a living hell.

Tinawagan ko ang driver namin na dalhin dito ang ang napakaganda kong kulay pink na kotse pero syempre mas maganda ako.

"Bring my pink car here. ASAP. I will text you kung saan."

After a decade dumating na din ang makupad na driver namin. Ayoko pa naman yung pinaghihintay ako. Panibhasa matanda na, uugud-ugod na.

"My gosh! Ba't ang tagal mong dumating? Alam mo namang ayaw ko yung pinaghihintay ako Di ba?!"

"Ano po ka--"

Sasagot pa sana si Tanda. Sinamaan ko nga ng tingin. Magdadahilan pa eh. Pumasok na ko ng kotse ko. Bago ko pa mapaandar ang sasakyan ko, humirit pa si tanda.

"Ma'am, pano po ko makakauwi? Wala po akong dalang pera."

"Malamang sa malamang. Maglalakad ka. Bobo! Parusa mo yan sa kabagalan mo. By the way before I forgot. YOU'RE FIRED!"

After that I left him. Bahala sya sa buhay nya. Hindi ko pa feel ang umuwi ng bahay kaya tinawagan ko si Candy.

"Bar tayo"

Walang ganang kong sabi nang sagutin nya ang tawag ko. Hindi ko na sya hinintay pang sumagot. Binaba ko na phone ko at dumiretso na sa bar.

"BEEESTFRIIIIEND!"

Bungad sakin ni Candy pagpasok ko ng bar. Walang poise talaga tong babaeng 'to. Hindi ko na sya pinansin at dumiretso na ko sa may bakanteng table.

"Ang sweet mo talaga Alex kahit kailan."

"I know right"

"Tss. Kuha lang ako ng drinks."

Mali atang niyaya ko si Candy. Ang boring nyang kasama. Ewan ko ba kung ba't ko naging kaibigan yan. Ang layo ng ugali nya sakin at syempre mas maganda at sexy ako.

"Hi Miss. Are you alone?"

May biglang nagsalita mula sa likod ko. Taas kilay ko namang nilingon ito.

"Bulag ka ba o sadyang tanga lang?"

Iritado kong sagot dito. Pero napakamot lang 'to habang bumubulong na rinig ko naman.

"Maganda sana pero bitch naman."

Tanga talaga e. Sinagot ko naman ito haban nakapamewang.

"I know I am a Bitch"

"I like you. C'mon lets dance"

Tanga na nga malandi pa. Nakuha nya pa talaga kong yayain sumayaw. And with that I kicked his balls. Yan ang bagay sa mga malalanding lalaki.

"OH SHIT! What was that for?"

"To tell you that I don't effin like you. My middle finger raise to you."

Tumayo na ko at iniwan syang namimilipit sa sakit. I told you don't mess up with me. Nakasalubong ko naman ang magaling kong kaibigan na may hawak na dalawang alak.

"O? Bes, aalis ka na?"

"Obvious ba?"

Lumabas na nga ko ng tuluyan sa bar at umuwi nalang. What a boring day? Buti nalang bukas may pasok. Hindi na ko mabobored.

***

Pagpasok ko ng bahay pagmumukha agad ni Sandra ang bumungad sakin.

"Hi Sis. Ba't nakabusangot yang mukha mo? Pumapanget tuloy tayo. Haha."

Pang-aasar ng magaling kong kakambal. You read it right. Sa kasamaang palad may kakambal ako. Sya ang naunang lumabas saming dalawa. Masyado kasing excited. Kung ako masama ang ugali kabaliktaran naman nya ang ugali ko. But close naman kaming dalawa. Yung parents namin nasa states, busy sa pagpapayaman. We're already 18 years old at wala kaming kapatid.

Umirap muna ko sa kanya bago magsalita.

"Whatever Alex Sandra! Mind your own face."

"Sus. Nagmamaldita na naman ang kakambal ko , kaya mahal na mahal kita eh. Haha. I love you Sis."

"I hate you"

Pagkatapos ng walang kwentang pag-uusap namin, iniwan ko na ang baliw kong kapatid.

The School BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon