Chapter 32: Territorial

89 7 0
                                    

"Hi Freya!"

Gulat ko nang tumabi sakin ang kapatid ni Impakto na si Baby Da-- I mean, Lauren. Nandito kaming lahat sa cottage. Nag-iihaw ang  boys habang kaming mga girls ay lumalamon. It's already lunch time.

"Ah, hello." alanganin kong bati dito at ngumiti.

Umusog pa ito nang konti para mas magkalapit kami at kumapit sa braso ko. Maang naman akong napatingin dito.

"Ikaw pala ang kinalolokohan ng kapatid ko. Hindi na ko magtataka, ang ganda mo nga and ang hot pa. Pero ang pinakagusto ko sayo eh yung palaban ka."

Mahabang sabi nito habang hinahampas-hampas ako. Bigla akong nasamid sa mga sinabi niya. Nataranta naman si Lauren at tinapik-tapik ako sa likod.

"OMG! Okay lang ba Freya?! Nasamid ka?!"

Malakas na pagkakasabi nito na for sure ay narinig ng mga kasama namin.

May pagka-OA din pala ang kapatid ni Impakto.

"Freya oh."

"Here drink this water, Bru."

Feeling ko masasamid ako ulit nang sabay na lumitaw sa harapan ko si Lance at Impakto. Nakalahad ang mga kamay nila sakin na may hawak na isang basong tubig.

Di ko alam kung kanino ang kukunin hanggang sa narinig kong tumikhim sa tabi ko si Lauren.

"Nauuhaw ako. Akin nalang yan, Lance ha?"

Kinuha ko ang tubig na inabot ni Impakto at ininom ito. Nakita ko naman na nagtinginan ang magkapatid.

"Lance, samahan mo nga ako."

Sabi ni Lauren at hinila na nito si Lance palayo at hindi ko alam kung saan sila nagpunta.

Umupo si Impakto sa tabi ko at tumingin sakin na bakas ang pag-aalala.

"You okay?"

Sinamaan ko naman ito ng tingin. Like hello? Nasamid lang naman ako.

"I'm okay. Wag kang OA na Impakto ka!" tumawa naman ito at ginulo ang buhok ko.

"Mukha ngang okay ka. Bruhaha ka na eh!"

Tumawa ito na parang baliw. Inis ko naman itong sinuntok sa tiyan na syang kinaaray niya.

"Aray naman. Bruhaha ka na nga amasona pa."

Pang-aaasar pa nito sa akin. Sinusuntok ko lang siya nang paulit-ulit hanaggang sa mapigilan nito ang kamay ko. Napatigil ako nang marealize kong hawak niya ang kamay ko at nakatingin ito sa akin. Hindi ko alam pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

Nasa ganon kaming sitwasyon nang may narinig akong click ng camera. Agad kong binawi ang kamay ko kay Impakto at tumingin kay Candy nang masama. May hawak itong camera at alam kong siya ang kumuha ng picture.

"Sorry bes!"

Nagpeace sign pa ito at nagsimulang tumakbo. Hinabol ko naman ito.

"Hoy g*ga ka! Burahin mo yan!"

Sigaw ko dito habang hinahabol ito na tumatakbo sa gilid ng pool.

"Ayoko ko nga!"

Binehlatan pa ko nito na tila nang-aasar pa. Bwisit na babaeng 'to.

"Bwisit ka! Burahin mo sabi yan! Lagot ka talaga sakin!"

Huli na nang marealize kong madulas sa bahaging gilid ng pool dahilan para mawalan ako nang balanse at mahulog sa pool. Narinig ko naman ang pagsigaw ni Candy.

"Bes!"

Nang makabawi ako sa pagkakahulog ay lumagoy ako at umahon. Marunong akong lumangoy. Duh?

The School BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon