Chapter 10: Can't Take It

214 8 0
                                    

FREYA'S POV

Damn him! I hate them! Trabaho! Trabaho! Puro trabaho nalang ang inaatupag. Gusto ko lang naman kahit konting atensyon ibigay nila samin. Yun lang! Attention seeker na kung attention seeker. 

Naglalakad lang ako dito sa may subdivision habang nagdadabog at nakasimangot. Wala kong pake sa mga nakakakita sakin. Maganda ako eh.


"FUCK!"

Mura ko nang talsikan ako ng tubig nang may sasakyang dumaan kung makaharurot akala mo wala ng bukas. Pumulot ako ng malaking bato at binato yung sasakyan.


"Hoy, kung sino ka mang peste ka! Tignan mo ginawa mo sakin. Dinumihan mo ko!"

Sigaw ko nang makalapit ako ng sasakyan at nakapameywang.

"Ano?! Lumabas ka dyan! Mainit pa naman ulo ko"

Para na kong tanga kakasigaw dito at dahil maganda ako, sinipa ko yung kotse nya at naglakad ako palayo. Pero di pa man ako nakakalayo.

"Ba't ba ang high blood mo palagi?"


Napatigil ako at lumingon.

"Eh bakit ba lagi mo nalang akong pinepeste Impakto?!"

You read it right. Yung impakto na naman as always.

"Bruhaha ka pa din kahit kelan."

"Impakto ka pa din!"

"Sumama ka nalang sakin para mapalitan ko yang damit mo."

"Anong mapalitan mo ang damit ko ha?"

Sisipain ko sana ulit yung ano nya pero nakaiwas sya agad. Nakachamba lang yan.

"Oops. Not AGAIN. Wag ng mag-inarte Bru. Sumama ka nalang."

Hinila nya ko papasok ng kotse. Nagpahila nalang ako. Dapat nya 'tong palitan na damit ko no. After a few minutes, huminto kami sa isang botique at pumasok. Sumukat lang ako ng ilang damit. Shorts at hanging dress ang napili kong isuot.

"Ikaw magbabayad nyan ah."

Sabi ko kay Impakto na may ngisi sa labi.

"Oo na"

Nakasimangot nyang sabi. Isang dosenang pares ba naman ng damit ang pinabili ko. Wag kayo, mahal ako maningil. Paglabas namin ng botique, nagpaalam na ko sa kanya.

"Osya. Impakto uwi na ko."

Tatalikod na sana ko sa kanya ng pigilan nya ko.


"Not yet Bru. Kain muna tayong ice cream. My treat."

"Okay. Di ako tumatanggi sa grasya."

Kelangan ko talagang kumain ng ice cream para malamigan ang ulo ko. Dati paboritong paborito ko ang ice cream pero nung nangyari yung-- Okay! Change topic!

"Ano'ng gusto mong flavor? Try mo ang mango, masarap yun. Actually favorite ko yun"

Sabi ni Alex habang busy sa pagtingin sa menu.

"NO! Uh, I mean ayoko ng mango. Chocolate nalang."

"Ah. Okay" 

Kibit balikat nyang tugon.

After that, kumain lang kami hanggang sa nagtanong sya.

"Anyway, ba't kanina sa daan ang haba ng nguso mo? Parang pasan mo ang daigdig."

Natatawang tanong nito habang may ice cream sa bibig nya. Gross. Nakakaturn off tala lalo 'tong Impaktong 'to.

I glared at him.

"None of your bussiness."

Walang ganang sagot ko na busy sa pagkain ng ice cream.

"Kelan ka ba magiging mabait kahit sandali?"

"Pagputi ng uwak"

Hindi na sya umimik nun at nilantakan nalang ang ice cream nya. 

 "Mommy, I want ice cream."

May pumasok naman na mag-ina sa ice cream parlor.

"Sure honey. Wait me here."

"Yey! I love you mom."

"Love you more honey. Wait mo si Mommy dito."

Sinunod naman nung bata yung nanay nya. Tumayo ako at nilapitan yung bata.

 "Hi. Ang cute mo naman."

Mabait kong bati sa bata. Oo, mabait, as in M-A-B-A-I-T. Sa mga bata lang akong mabait.

"Pwede bang makiupo muna dito si Ate?"

"Sure Ate Ganda"

Oha! Ate GANDA daw. Di nagsisinungaling ang bata.

"Alam mo ba naiinggit sayo si Ate. Buti ka pa nandyan yung Mommy mo para i-guide at alagaan ka. Mahalin mo Mommy mo kasi hindi lahat ng bata swerte kagaya mo. Yung iba *sob*"

Habang nagsasalita ako di ko mapigilan ang di maiyak. Tae! Di dapat ako ganito. Pinunasan ko ang pisngi ko at nagsalita ulit.

"Y-yung iba kasi kulang sa atensyon at p-pagmamahal ng magulang. Pag kailangan nila ang mama at papa nila, wala ito sa tabi nila. Laging busy sa trabaho, kaya ikaw ang swerte mo bata. B-buti ka pa."

Pagkatapos nun, dumating na din yung mommy nya na may dalang ice cream.

"Here's your ice cream honey."

"Yaaah! Ice cream! Ice cream!"

Masayang tugon nung bata. Tumayo na ko at lumabas na.

"Pwede ka naman umiyak. Wag mong pigilan."

Ngayon ko lang napansin, nakasunod pala sakin si Impakto.

"A-ano bang pinagsasasabi mo dyan? Wag mo nga kong pakelaman."

Bigla nya nalang akong niyakap. Sinubukan kong kumawala sa yakap nya pero sadyang mas malakas sya sakin.

"Ano ba! Wag ka ngang feeling close. Chansing ka eh! Bitawan mo ko!" "Bibitawan lang kita pag nilabas mo na yang sama ng loob mo."

And thats it. Napaiyak nalang ako. I can't take it anymore. Kailangan kong ilabas ang sama ng loob ko. Without even thinking na kay Impakto ako nagpapakita ng kahinaan ko ngayon.

"*sob* Nakakainis lang kasi eh. Sa oras na kelangan ko sila *sob* wala sila. Puro trabaho, trabaho, trabaho. Punyetang trabaho yan! Hindi ko kelangan ng maraming pera *sob* Kailangan ko yung pagmamahal nila. *sob*"

"It's okay. Ilabas mo lang."

Tanging sinabi nya habang inaalo ako at hinahagod ang likod ko. Halos isang oras kaming ganun. Nung okay na ko, umalis na ko sa pagkakayakap sa kanya.

"Chansing kang impakto ka!"

At lumayo ako sa kanya. Manyak e. Pinagsamantalahan yung kahinaan ko.

"Chansing daw. Ikaw kaya ang chansing dyan eh. Higpit ng yakap. Sarap ba ng yakap ko Bru?" 

"Bakit? May lasa ba ang yakap? Duh?"

Nilayasan ko nga, masyadong mayabang eh.

"Bru, hatid na kita."

"Wag na"

"Dali na!"

"Okaaay! Baka umiyak ka pa pag di ako nagpahatid sayo." 

Ngingisi-ngisi lang ang mokong.

"Ge."

Paalam ko nang makarating na kami sa bahay. Bumaba na ko ng sasakyan nya. Papasok na sana ko ng gate nang magsalita sya.

"Wala man lang thank you?"

"Wala! Di ko naman sinabing ihatid mo ko"

"Hindi yun. I mean di ka man lang magtethank you sa pagyakap ko sayo? Dami kayang naghahabol saking mga chix"

"Eh ikaw? Di ka man lang ba kinikilabutan sa pinagsasasabi mo? Umalis ka na nga kung ayaw mong batuhin ko ulit yang sasakyan mo."

"Sabi ko nga Bru, aalis na. Wag kang kiligin pag-alis ko. Ayiieh!"

I glared at him. Masyadong GGSS e, gwapong gwapo sa sarili. Sa wakas umalis na rin sya. 

The School BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon