Chapter 25: Sisters' Love

92 5 0
                                    

"S-si Ma'am Sandra po na-kidnap Ma'am." maang akong napatingin dito at lalong mas kumunot ang noo ko sa narinig.

"What did you just say? My sister got kidnapped?!" naghihysterical kong sigaw dito. Napayuko naman ito.

"S-sorry po Ma'am. May bigla nalang kaseng pumukpok sakin nang makita kong may pumipilit na mga lalaking kunin si Ma'am Sandra at nawalan na ho ako ng malay. Patawarin nyo ho ako." sasampalin ko sana ito nang pigilan ako ni Impakto.

"Don't ever show up your face again to me! You're fired! Wala kang silbi! Kapag may nangyaring masama sa kakambal ko ikaw ang may kasalanan!"

Nilayasan ko na ang walang kwentang driver namin. Konti nalang magbibreak down na ko dahil sa sobrang iyak at pag-aalala sa kapatid ko. Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Impakto.

"Ssshhh. We'll find your sister. Don't cry" pag-aalo sa akin nito habang nakayakap sa akin.

Yumakap ako nang mahigpit dito at sinubsob ang mukha ko sa dibdib nya habang patuloy na umiiyak.

"What if they hurt her? What if they did something bad to my sister?" umalis ito sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa magkabila kong pisngi.

"She will be safe. No one will hurt her. We will find her as soon as possible. I'm here so don't worry." then he kissed my forehead. I just nodded and then suddenly his phone rang.

Sinagot nya naman ito at kunot-noong napatingin sa akin. Sinambit nito ang pangalan ko na lalong nagpakaba sa akin.

"Freya.."


SANDRA'S POV

"Yes, boss. Hawak na namin sya. Oho, sigurado ho kami. Hindi ho kami nagkamali. Sige ho hintayin ho namin ang pagdating nyo."

Pag-uusap na narinig ko nang idilat ko ang mga mata ko. Kahit nakadilat na ko ay kadiliman pa rin ang nakikita ko. May piring ako at doon ko naramdaman ang kaba. Naalala ko may biglang sumulpot na mga lalaki kanina sakin pagkatapos kong makausap ang Mommy ni Jayson. Hindi pa rin ito nagigising hanggang ngayon at papunta sana ko sa hospital para dalawin ito dahil tapos na rin naman na ang klase ko nang sumulpot ang mga lalaki at may in-spray sa harapan ko dahilan para mawalan ako ng malay.

Alam kong nakaupo ako sa upuan at ramdam kong nakatali ang mga kamay ko at bewang ko dito. Pilit ko itong kinakalampag dahilan para mapukaw ang atensyon  ngsino mang lalaking narinig kong may kausap kanina.

"Gising ka na pala? Tamang-tama parating na si Boss." rinig kong sabi nito.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Lumabas na ata yung lalaki at biglang tumahimik ang paligid. Ibig sabihin ay wala ng tao at nag-iisa nalang ako dito. Hindi ko na sinayang ang pagkakataong 'yon at sinubukan kong tanggalin ang mga tali sa mga kamay ko. Hindi ito masyadong mahigpit kaya konting tiyaga lang ay naalis ko na ito. Nang makalagan ko na ang sarili ko ay agad kong inalis ang nakapiring sa akin. Medyo malabo pa ito nang una pero nang makaadjust na ang mata ko sa liwanag ay agad kong kinapa ang bulsa ko dahil naalala kong nilagay ko sa bulsa ko yung phone ko at di nga ko nagkamali, nandito! Tanga din naman pala yung mga dumukot sakin. Binuksan ko ito at in-on ang GPS. In case na hinahanap na ko ng kakambal ko at para matrack agad nila ang location ko.

I was about to dial Nicole's number nang marinig ko ang boses ng kapatid ko na tinatawag ako. Dali-dali kong inalis ang tali sa bewang ko at naglakad papuntang pinto kung saan nanggagaling ang boses ni Alex. Pagkabukas ko nito nag-aalalang mukha ng kapatid ko ang sumalubong sa akin at agad akong niyakap nito nang mahigpit.

"I was so worried about you, Ate. Did they hurt you?" at hinawakan ako nito sa magkabilang balikat habang parang ine-examine ang katawan ko.

"I'm okay, sis. Since you're already here to save me." hinawakan ko ang kamay nito at nginitian. 

Hinila naman ako nito para tuluyan na kaming makalabas ng pinto. Dahan-dahan at maingat kaming naglakad sa pasilyo habang mahigpit na magkahawak kamay. Si Alex ang nangunguna sa amin ngayon na napakaseryoso ng mukha.

"Where do you think you're going?" isang malamig na boses ang bumulong sa akin at marahas na humila ng buhok ko dahilan para mapabitaw ako sa pagkakahawak kay Alex na siya namang kinalingon nito.

"Sandra!" sigaw nito at lalapit sana ito sa akin nang itutok ng babaeng nakasabunot sa akin ngayon ang hawak nyang baril.

"Oopss. One move and your dear sister will die." pagbabanta nito kay Alex at parang baliw na humahalakhak.

"You're insane, Ynah! You're insane!" galit na sigaw diito ni Alex habang nakatutok pa rin sa may sentido ko ang baril ni Ynah.

"Yes, I am. And kayo naman bobo!" muli itong humalakhak bago magsalita ulit. "Akala nyo ata maiisahan niyo ko ni Alex!"

Nagbago naman ang ekspresyon ng kapatid ko at mas dumoble ang pag-alala nitong bakas sa mukha.

"Anong ginawa mo kay Alex?!"

"Simple lang, I shot him!" humahalakhak ulit nitong sabi.

Dahil busy ito sa kabaliwan nya ay nagkaroon ako ng pagkakataon para makaalis sa pagkakahawak nito at nakipag-agawan ako ng baril sa kanya.

"Tumakbo ka na, Alex!" baling ko sa  kakambal ko habang nakikipag-agawan pa rin kay Ynah na ngayon ay siniko ako sa tagiliran pero hindi ko ininda ang sakit nito at pilit na inaagaw ang baril dito.

"No! hindi kita iiwan!" pagmamatigas nito at tila hindi alam gagawin nito kung susugod din ba ito kay Ynah o ano. Lumingon naman ako dito at nginitian ito.

"Wag nang matigas ang ulo twin sister." malambing kong sabi dito nang bigla akong may naramdaman sumipa sa tyan ko dahilan para mapahiga ako at isang sipa pa ang binigay nito sa akin dahilan para may lumabas na dugo sa bibig ko.

"Sandra!" rinig kong sigaw ni Alex at nakita ko itong sumugod kay Ynah at ito naman ang nakipag-agawan ng baril hanggang sa may narinig akong putok ng baril. 

Parang nag-slow motion ang paligid ko nang nakita kong unti-unting napahiga ang kakambal ko habang hawak ang tiyan nitong may dumadaloy na dugo. Lumingon ito sa sakin at ngumiti bago magsalita.

"Go! Run!" at tuluyan na itong natumba nang may narinig akong isang putok ulit ng baril at galing ito doon sa likod ko. Nakita ko na lamang si Ynah na nakabulagta at wala nang malay. Sunod-sunod na boses ang narinig kong tumawag ng pangalan namin.

"Sandra!" "Alex!" Alam kong boses ito nila Nicole at Kurt. Kahit gustuhin kong tumayo at tumakbo papunta sa kakambal ko ay di ko magawa dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko.

"Ssshhh. Sandra, Alex will be fine." Pag-aalo ni Nicole sa akin nang makalapit ito at niyakap ako. 

Nakita ko naman si Xander na tumtakbo papunta kay Alex habang hawak-hawak nito ang brasong dumudugo pa. Sumalampak ito sa sahig at niyakap nito ang kakambal ko nang makalapit ito dito.

"Freya! Wake up! Hey! Bruhaha gising!"


The School BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon