"ALEEEX!!!!!!"
Alam nyo naman na ata kung sino ang sumigaw. Yung kakambal ko pumasok sa kwarto ko at mukhang masayang masaya. Nangyari kaya sa date nila ni Nerd.
"Ano ba naman Sandra?! Ang sakit mo sa tainga."
Humagikhik naman ito na parang nababaliw. I just rolled my eyes on her.
'Hihi. Masanay ka na Sis. Maganda tayo eh."
"Sanay na nga ako. Tss. Problema mo ba at binubulabog mo ko."
Hinawi naman nito ang buhok at nilagay sa likod ng tainga nya at sabay pacute sakin. Seriously Sandra?
"Eh kashi nemen shi Jayshon kinish ako sha lipsh. Kyaaaah!"
Malanding sabi nya habang nagtititili. Nakatanggap naman ito ng tatlong batok sakin. Hindi inaayos ang pagsasalita.
"Aray naman! Ba't mo ko binatukan?"
"Landi mo kasi. Ayusin mo pananalita mo."
"Ano nga kashi-- Ouch! Nakakaapat ka na ah! Masakit na."
"Malilimahan pa yan pag di ka pa umayos."
"Jayson kissed me and kami na. Kyaaah! Sis I'm so kinikilig."
"What?! C'mon Sis. Pinatulan mo yung Nerd na yun? Pano nalang pag lagi kayong magkasama eh di laging boring ang palagid. Tsk. Tsk."
This time ako naman ang binatukan nya. Sinamaan ko nga ng tingin. Hindi dapat binabatukan ang isang Freya Marvida.
"Napaka mo talaga. Bitch!"
"Thanks for the compliment."
Lumapit naman ako sa kanya at niyakap sya.
"Goodluck sis. Nag-aalala ko para sayo."
"Ewan ko sayo. Goodnight na. May pasok pa bukas. Mwah. I love you."
"Same here. I don't love you ."
Pang-aasar ko. Nakasimangot naman syang lumabas sa kwarto ko pero pagkalabas na pagkalabas nya narinig ko nalang ang maharot kong kapatid na nagsisisigaw.
"KYAAAH! KAMI NA NI JASYON. I'M SO KINIKILIG!"
Tsk. See? She's insane. Inlove ang kambal ko. Lumabas ako ng kwarto ko at sinigawan sya.
"P*TA NAMAN SANDRA. KUNG KINIKILIG KA WAG KANG MAMBULABOG NG IBA. ANG SAKIT MO SA EARDRUMS!"
Pagkatapos ko syang sigawan, sinarado ko na ang pinto nang malakas at humiga. Narinig ko pang sumigaw si Sandra. May pahabol pa talaga ang g*ga.
"BEHLAT! INGGIT KA LANG KASE. MWAHAHAH. INGGIT SI ALEEEX!"
Napapailing at napapangiti nalang ako sa kambal ko. I'm happy for her.
BINABASA MO ANG
The School Bitch
RomanceDon't mess up with a School Bitch or you'll live like a living hell - Alex Freya Marvida