"ALEEEEX"
Napabalikwas ako ng wala sa oras sa higaan ko. Bigla ba namang may sumigaw sa tainga ko. Walanghiya ka Sandra, oo yung kakambal ko ang sumigaw. Iritado akong tumingin dito.
"What?!"
"Ano'ng what ka dyan? Alam mo ba kung ano'ng oras na? Ha?"
"Punyemas naman Sandra. Kung ginising mo ko para tanungin lang ako kung ano'ng oras na. Utang na loob, tignan mo kaya yang relo mo. Istorbo ka. Lumabas ka na nga."
Bumalik agad ako sa pagkakahiga at pumikit. Like duh? Inaantok pa kaya ako. Pilit akong hinihila ni Sandra pero di pa rin ako bumabangon.
"Hmmm. 30 minutes pa please. Patulugin mo muna ko."
"30 minutes ka dyan! Hoy babae! 7:45 na at 8:00 ang pasok natin kaya bumangon ka na dyan. Dali na. Isa!"
"Dalawa. Tatlo. Apat. Lima."
Pang-aasar ko sa kanya. Ilang beses pang pangungulit ay sumuko na din ang istorbo kong kakambal. BUTI NAMAN! Pahimbing na SANA ulit ang tulog ko nang bigla akong may naramdaman na kumikiliti sa tainga ko.
"DAMN IT ALEX SANDRA! ISTORBO KA TALAGA KAHIT KAILAN. ALAM MO NAMANG AYAW KO SA LAHAT AY YUNG KINIKILITI AKO SA TAINGA."
"Sorry Sis. I don't know eh. Hehe. Finally bumangon ka na rin."
At parang baliw na tumawa naman 'to. Binato ko naman ng unan.
"DAMN YOU! GET OUT OF MY ROOM OR ELSE I WILL PUNCH YOUR UGLY FACE."
"Remember we're twins."
"Punyemas. Labas na sabi o gusto mo talagang pumasok ng school ng may black eye."
"I love you, Sis!"
Pinagtutulakan ko syang pinalabas sa kwarto ko at malakas na sinara ang pinto. Narinig ko pa ang huli nyang sinabi.
"Hoy Alex. Bilisan mo ha? Malilate na tayo."
Dahil sa ginambala nya ang maganda kong tulog, kabaliktaran ang ginawa ko sa sinabi nya. I told you don't mess up with me.
***
Reklamo ni Sandra ang bumungad sakin pagkasakay ko ng sasakyan. I smirk when I saw the expression of her face. Her face was priceless.
"WHAT THE FCK NAMAN ALEX? LATE NA TAYO! IT'S ALREADY 8:56. DI NA KO MAKAKAPASOK SA FIRST CLASS KO!"
"Good morning Sis. Umagang-umaga high blood ka."
"There's no good in the morning. Bwisit ka kasi bagal bagal mong kumilos."
"I know right."
"Tss"
Tinawanan ko nalang sya. Masyado kasing high blood, umagang-umaga. Buong byahe nakasimangot lang si Sandra habang ako natatawa-tawa sa itsura nya.
***
Pagkarating namin sa school, patakbong bumaba sya ng sasakyan at pumunta na kung saan ang class nya. Syempre ako, di gumaya sa kanya. Taas noo akong naglalakad sa hallway papunta sa 2nd class ko.
"Tatabi ba kayo sa daraanan ko o ipapa-kick out ko kayo para di na talaga kayo makaharang."
Taas noo kong sabi habang nakapameywang dito sa mga tsismosa kong blockmates. Haharang-harang sa pinto eh. Umagang-umaga tsismisan agad ang inaatupag.
"Arte."
Nagpanting ang tenga ko sa sinabi ng babaeng mukhang sinubsob ang mukha sa arina sa sobrang puti ng panget nyang mukha. Hindi sakin familiar ang mukha nyang panget. Newbie ata dito. Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay.
"What did you say?"
"Ang sabi ko ang arte mo. Who are you ba? Akala mo naman ikaw ang may-ari ng school na to."
Taas noong pagsagot-sagot sakin ni Hipon. Nakuha nya pa talagang sagutin ako. Sinusubukan ako ng panget na 'to
"FYI lang hipon--"
"What did you just call me?"
"I called you HIPON. PANGET na nga, bingi pa."
"Walanghiya ka"
"I'm Alex Freya Marvida, the daughter of the owner of this school. Kaya kung gusto mo pang makapag-aral dito sa magandang school NAMIN, ayus-ayusin mo yang pananalita mo or else I will make your life a living hell. Di ka naman nga kagandahan eh."
"Ano'ng sa--"
"Oops. Ang ilong baka pasukan ng langaw. Wag masydong lakihan ang butas, nagmumukha kang baboy."
After that I walked out. Pumunta na ko sa upuan ko at preteng-preteng umupo. Napataas naman ang kilay ko nang mapansin kong ang daming matang nakatingin sakin.
"I know I'm gorgeous but stop staring at me like there's no tomorrow."
Napaiwas naman ng tingin ang mga kaklase kong kung makatingin parang wala ng bukas. If I know inggit lang sila sa ganda ko.
BINABASA MO ANG
The School Bitch
RomanceDon't mess up with a School Bitch or you'll live like a living hell - Alex Freya Marvida