Chapter 11: Hipon is Back

162 8 0
                                    

SANDRA'S POV

"Sis, wake up."

"Hmmm. Mamaya na."

"Sis, gising na sabi. Malilate na tayo. Di ba ayaw mo yung nalilate." 

"Hm. Maya na. Ganda na ng panaginip ko, wag kang istorbo."

Inaantok kong sabi kay Alex. Agang manggising. Binaon ko ang tenga ko sa unan. Bigla naman nya kong sinapak. Grr. Kahit kelan talaga 'to.

"Aray naman!"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga. Ikaw kaya sapakin nang malakas. Alex talaga, maldita as always.

"Breakfast in bed for you my dear twin sister."

Nanlaki naman yung mga mata ko. Seriously? Anong nakain nito at nagtransform ata bilang anghel.

"May sakit ka ba?"

Concern kong tanong sa kanya sabay hawak sa noo nya. Tinabig nya naman yung kamay ko.

"Wa-la"

Bibong sagot nya sakin na nakapagpakunot ng noo ko.

"Are you sure? Nakain mo sis?"

"Yan din"

Tinuro nya yung pagkain na dala nya. Inayos nya yung pagkakalagay ng pagkain sa table.

"Walang lason 'to?"

"Sana nga nilagyan ko nalang ng lason para di ka na makapagtanong. I'm trying to be nice here. So be cooperative. Once in a blue moon lang 'to."

Nagpout naman sya. Talaga lang ha?

"Sure kang kaya mong maging mabait?"

"Eh ikaw? Sure ka bang kakainin mo yan o isusupalpal ko yang pagkain sa bibig mo para di ka na dada ng dada."

As usual, back to taray mode. Sabi na di nya kaya e. At dahil natameme ako, kinain ko nalang yung dala nyang pagkain. Minsan lang maging ganito 'to, samantalahin na natin.


FREYA'S POV


Naglalakad ako sa hallway papunta sa first class ko. Habang naglalakd, todo smile lang ako. Wala lang, trip kong maging nice ngayon. Wala nga lang sanang mameste.

"Ouch"

Sabi ko nang may nakabunggo saking tatlong babae.

"Hala ka."

"Lagot tayo!"

Rinig kong bulungan nila at dahil nga mabait ako ngayon, pinulot ko yung librong nahulog at sinupalpal sa mukha nila este binigay ko nang maayos.

"Sa susunod, mag-ingat ka para di ka makabunggo."

Mahinahon kong sabi. Tumalikod na ko at maglalakad palang sana ko palayo nang nagpantig ang tenga ko sa sinabi nila.

"Ano kayang nakain nya? Ang plastik nya masyado."

"Bait-baitan."

"Oo nga. Pa-anghel effect, bitch naman pero akala nya, bitch rin kaya ako."

Huminga ako nang malalim at hinarap sila nang may ngiting demonyo sa labi. Mukhang nagulat naman sila. Huh!

"What did you say? You're a bitch? Oh, sorry to say but I'm the bitchest my dear."

And with that, binigyan ko sila ng tig-iisang malutong na sampal. Di naman sila makapalag, takot lang nila.

"Next time, kung pagchichismisan nyo ko, siguraduhin nyong di ko maririnig. Ngayon na nga lang ako naging mabait, sinira nyo pa. Punyeta. Tabi nga!"

Tinulak ko sila at naglakad na palayo sa mga hitad na yun. Wala ng bait-bait, ganun lang din naman eh, edi maging bitch nalang. Pagpasok ko, medyo nabigla ako sa nakita ko. Bumalik si Ynah (Hipon). Akala ko di na 'to papasok eh. Gusto pa ata ng part two.

"Oh? There you are Hipon. You're back. Want more?"

Taas kilay kong sabi sa kanya. Naningkit naman ang mga mata nya sa sinabi ko.

"Yes Freya, I'm back to have my revenge. So, be ready bitch."

"Really? I'm so scared. Ha ha ha."

Sarcastic kong sabi sa kanya sabay walk out. Lumabas ako ng room para makalanghap ng sariwang hangin. Puro malansa ang nalalanghap ko sa room eh. Nandun kasi si Hipon.


Someone's POV

"Are you sure na hindi mo inaalis ang tingin mo sakanya?"

Tanong ko sa kausap ko sa kabilang linya.

"Oo naman. Lagi akong nakamanman sa bawat galaw nya. Don't worry I can assure you that your plan will be a success. Just tell me when do you want to start at ready na ang mga bata ko"

Napangiti ako sa aking narinig.

"Basta siguraduhin mo lang na walang papalpak"

And then I hang up. Gusto kong pagplanuhan nang mabuti ang bawat hakbang na aking ggawin upang magtagumpay ako sa plano ko. Wala pa kong nasisimulan pero sisiguraduhin kong magtatagumpay ako sa huli.

"Be ready for my revenge"

Sabi ko sa aking sarili habang nakaukit ang mala-demonyong ngiti.

The School BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon