"Bes, namiss talaga kitaaaaaa!!!!" paulit-ulit na sabi ni Candy sakin habang hindi inaalis ang pagkapit sa braso ko.
Pilit ko naman itong pinagtutulakan na hindi man lang natitinag. Alas singko palang ng umaga pero ang dami pambwisit sa umaga ko.
Nandito na kase sila Sandra kasama nito ang dalawang asungot na sina Kurt at Nicole, Candy at ang boyfriend niyang si Jayson. Lumipat rin kami sa mas malaking cabin since marami kami. Parang mini house siya. May isang kwarto na may double deck, maliit na kusina at sala. Yung kagabi naman samin ni Impakto eh hindi na kami nag-usap pagkatapos non. Lumabas ito ng cabin at kinaumagahan na bumalik kasama sila Sandra.
I wonder kung saan siya natulog but I don't care.
"Damn, Candy. Get your hands off of me!" bulyaw ko dito. Mukhang natakot naman ito at agad na inalis ang pagkakakapit sa akin.
I crossed my arms and glared at her.
"Ngayon ka na nga lang ulit nagpakita saking gaga ka binubwisit mo pa ko."
Nagpout ito na siyang kinairita ko.
"Something happened, bes. I'll tell you some other time."
Seryosong sabi nito sabay peace sign. Parang tanga talaga 'to kahit kailan. Hindi na ko sumagot dito at iniwan ito.
"Where are you going sis?" tanong ni Sandra na nakaupo sa sofa kasama ang boyfriend niya at ang dalawang asungot nang madaanan ko ito.
"The hell you care." napatingin ako kay Kurt at Nicole na nakasandal sa balikat nito.
Our glances met. I stared at them coldly and smirked. I left them and headed myself out.
Paglabas ko ng pinto ay nakasalubong ko si Impakto kasama na naman ang baby damulag niya. Hindi ko ito pinansin at dinaanan lang sila ng parang hangin. Masyado kong nabubwisit sa mga kasama ko. Damn it!
And that Impakto! How dare him bring that Baby Damulag of him to our place?! I feel so mad at everyone right now.
"What's with that face?"
Someone spoke out of nowhere but I already know who it is.
"Get lost." sabi ko dito at tuloy-tuloy na naglakad hanggang sa tabing dagat.
Inalis ko ang tsinelas ko at nagtampisaw dito. Naglakad-lakad ako habang dinadama ang hangin na humahaplos sa balat ko at maliliit na alon na dumadampi sa paa ko.
"Look at the sun rise." Lance said and I did what he said. "So pretty." sabi nito at nakatingin ito sa akin nang lingunin ko ito.
Bigla naman akong nailang dito at nginitian ito ng tipid.
"Indeed." bigla namang lumapad ang ngiti nito.
"You smiled. Damn! You absolutely smiled." he said with amusement in his face.
I frowned in an instant.
"I didn't." I started walking again leaving him behind.
Makapagreact kasi akala mo naman ngayon lang ako ngumiti sa buong buhay ko.
"Mas maganda ka pala pag nakangiti eh. Isa pa nga please."
Nagpapacute na sabi nito nang mahabol ako. Hindi ko ito kinibo at patuloy lang sa paglalakad nang maramdaman kong sinusundot-sundot nito ang tagiliran ko.
"Uyyy ngingiti na yan uliiit."
Makulit na sabi nito at patuloy lang sa pangingiliti sa akin. Muntik na kong bumigay sa pangingiliti niya nang mapigilan ko ito. Tumakbo ako palayo dito kase parang wala itong balak tumigil sa pangingiliti sakin. Ang epal hinabol naman ako at syempre tumakbo ako palayo sa kanya.
"Ngingiti na yaaan uyyy." pangungulit ni Lance sakin habang naghahabulan kami.
"Che!" sigaw ko dito.
Naghahabulan lang kami hanggang sa maabutan ako nito at doon kiniliti nang kiniliti.
"Damn it. Stop it hmmm. Stop it Lance!"
"Ngiti na kase. Isa lang!"
Konti nalang bibigay na ko sa pangingiliti niya at hindi ko na nga napigilan. Napahalakhak na ko. Tawa ko nang tawa habang patuloy pa rin sa pangingiliti sakin si Lance. Hindi ko na maalala kung kailan yung huli akong tumawa nang ganito.
Napatigil ako sa pagtawa at maging si Lance ay napatigil din sa pangingliti sa akin nang may biglang tumikhim at nagsalita.
"Pinapatawag ka ng kakambal mo. Mag-aalmusal na. Sumunod ka nalang pag tapos na kayo."
It was Impakto. Seryoso itong nakatingin sa amin. Agad naman akong lumayo kay Lance at sasagot sana kay Impakto nang tumalikod ito at naglakad palayo.
**
"Guys, laro tayo. Habulan!" masiglang sigaw ni Sandra sa amin.
Kasalukuyan kaming nasa cottage ngayon malapit sa tabing dagat. Dito kami kumain ng almusal. Si Impakto hindi ako pinapansin. Pag nagtatama ang tingin namin agad na umiiwas ito.
Ano bang problema niya?
"Tara bes. Laro tayo!"
Hinila na ko ni Candy papunta kila Sandra. Halatang gustong-gusto nilang maglaro ng habulan. Seriously? Tatanda na nila gantong laro pa yung gusto. So childish.
"Sis tutunganga ka nalang ba diyan?"
Inis na sabi ni Sandra sakin. Nakabilog na kase sila. Si Sandra Jayson, Nicole, Kurt, Candy, Lance, Baby Damulag at si Impakto.
Nagtama na naman ang tingin namin pero this time ako ang umiwas. Nakasimangot akong lumapit sa kanila at pinatong ang kamay ko sa magkakapatong nilang kamay. Mag-iiba taya daw para madetermine kung sino ang manghahabol.
"Maibaaaa tayaaaa!" sabay-sabay nilang sabi.
Lahat sila napatigil at napatingin sa akin. Kumunot naman ang noo kong tumingin sa kanila.
"What?!" maarteng kong sabi at tumingin sila sa mga kamay namin.
Lahat sila pare-pareho. Ako lang ang naiiba. Which means ako ang taya at manghahabol.
What the hell?! This is bullsh*t!
"Taya ka bessyyyy!"
Sigaw ni Candy at doon na sila tumakbo palayo sa akin.
"This is bullsh*t!"
Inis kong sigaw habang sila lumayo sa akin. Sina Sandra, Jayson at Candy ay nasa dagat. Kaya ang pinuntirya ko ay sila Lance, Kurt, Nicole, Impakto at Baby Damulag.
Habol lang ako nang habol sa kanila.
"Habulin mo ko!" mapang-asar na sabi ni Lance habang hinahabol ko ito.
"Damn, Lance! Magpataya ka na!"
Gigil kong sabi dito. Binelatan lang ako nito at tumakbo palayo na hindi ko man lang bahabol. Hingal na hingal na ko pero wala pa akong natataya ni isa sa kanila. Mukhang pinagkaisahan nila ko kanina!
This is so irritating!
"Catch us sis if you can!"
Pang-asar na sigaw ni Sandra sa akin. Tumakbo naman ako papuntang dagat na siya namang ahon nila mula dito. Grrrr!
"Kaya pa ba, Freyaaa?"
Habol lang ako ng habol sa kanila hanggang sa parang may tumisod sa akin dahilan para mawalan ako ng balanse but before I could kiss the sand, three arms caught me.
"Alex!"
"Freya!"
"Bruhaha!"
Si Lance na nakakapit sa balikat ko. Si Kurt na nakahawak nang mahigpit sa kamay ko at si Impakto na nakasalo sa likod ko. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala habang nakatingin sa akin.
Damn, what the hell is this?
BINABASA MO ANG
The School Bitch
RomanceDon't mess up with a School Bitch or you'll live like a living hell - Alex Freya Marvida