Chapter 12: The Come Back of the Past

176 8 0
                                    

"Nakasimangot ka na naman?"

May biglang nagsalita out of nowhere.

"Pakialam mo?! Impakto ka na nga, kabute ka pa. Kung saan-saan sumusulpot."

Sumabay sa paglalakad ko ang Impakto.

"Namiss mo ba ko Bru?" 

Pang-aasar nya habang tinataas baba ang kilay. Kahit kelan talaga wala syang ibang ginawa kundi bwisitin ako.

"Assuming ka talaga kahit kelan. Kung ako hot, ikaw naman presko."

"Ayaw mo nun bagay tayo."

"Tao ako, di ako bagay. Teka nga, ginagawa mo ba dito sa school NAMIN?"

"Malamang mag-aaral. School 'to di ba? Isip-isip din Bru."

At talagang pinilosopo nya pa ko. At dahil hot ako, sinipa ko yung ano nya.

"SHIT! Na naman!"

Reklamo nya habang namimilipit sa sakit.

"Sa susunod Imps, pag-aralan mo din kung pano maging alerto pag ako kasama mo. Kawawa yang ano mo sakin."

Pang-aasar ko sa kanya. Aalis na sana ko nang hawakan nya ko sa braso. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Para kang best actress, hilig mong magwalk out pagkatapos mong bumanat."

"Ikaw, para kang aso. Sunod ka ng sunod sakin."

At malakas kong binawi yung braso ko sa kanya. Nagsimula na kong maglakad ulit at nakasunod pa rin sya sakin.

"Para kang nasa menauposal stage na, ang sunget mo palagi."

"Ikaw, para kang reporter, pakialamero ka masyado."

"Para kang tigre, hirap mong paamuhin."

"Ikaw, para kang soccer ball. Sarap mong sipain palayo."

"Para kang.. Para kang.."

"Ano wala ka ng maisip? Bobo mo kase."

"Bru, nagugutom ako." Bigla nyang sabi. 

"Oh? Pakelam ko?"

"Samahan mo kong kumain."

Di pa ko nakakapagsalita, hinila nya na ko palabas ng school at sumakay ng kotse.

"Langya ka! Sinabi ko bang gusto kitang samahan?"

Di na sya kumibo at patuloy lang sa pagdadrive. Di nalang din ako kumibo. Sayang laway ko e. 

Huminto kami sa isang restaurant at pumasok. Nag-order sya ng pagkain na pagkarami-rami.

"Di ka naman gutom nyan?"

"Di naman. Slight lang."

Sinamaan ko nalang sya ng tingin. Walang kwentang kausap e. 

Pagkatapos nyang kumain, nagbayad na sya. Patayo na sana ko nang may tangang babaeng nakatapon ng soda sa damit ko.

"OMG! My drink."

Maarteng sabi nya sabay kapit sa braso ng boyfriend nya ata. Aba di man lang magsorry si Ateng Tanga. Tignan natin. Nginitian ko sya ng pagkatamis-tamis at kinuha ang inuming hawak nya na ikinagulat nya naman. 

Ngumiti ulit ako at ibinuhos ang natirang soda sa kanya.

"What the hell? What did you do?"

Maarteng sabi nya. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Bulag ka ba o sadyang tanga? What did you do your face. Tabi nga! Dadaan ako! Haharang-harang!"

"You ugly bitch!"

Rinig kong hirit nya. Hinarap ko sya ulit at nginitian.

"Yes I am a bitch but I'm not ugly."

And with that, isang malutong na sampal ang binigay ko sa kanya. Napahawak sya sa pulang-pulang pisngi nya. 

"Sa susunod kung mag-iinarte, siguraduhing sagad ang kagandahan. Hirap sa inyong mga panget eh, sagad-sagaran ang kaartehan."

Pagkatapos kong sabihin yun, nilayasan ko na sya at lumabas na ng resto.

"That's cool."

Hirit naman ni Imps. Kasalanan ng lalaking 'to eh. Kung di nya sana ko sinama dito, di ako matatapunan ng soda.

"Peste ka! Kung di mo sana ko dito sinama, di sana ko madudumihan."

"Chill ka lang."

"Anong chill...ka...dyan..."

"Oh? Napatigil ka Bru?"

Sabi ni Alex pero di ko sya pinansin. Nakita ko sya after 2 years. I saw him again and I felt the pain again. At nakatingin sya sakin ngayon. He's back! Naalala ko na naman yung dati.

The School BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon