Chapter 22: Untold Past

110 4 0
                                    

"Kurt.."

Mahina pero gulat kong untag habang nakatitig dito sa taong nasa ibabaw ko. Nakatitig din ito sa akin nang seryoso ngunit bakas ang pag-aalala sa mukha. Nagkatitigan kami hanggang sa may narinig akong dalawang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan namin. 

"Kurt.." "Freya.."

Nang marinig ko ang boses na tumawag sa pangalan ko ay agad kong tinulak si Kurt palayo sa akin at tumayo. Nakita ko si Nicole at Impakto. Gulat ang mga mukha nitong nakatingin sa amin. Pero ang buong atensyon ko ay na kay Impakto lamang na malamig na nakatingin sa amin, sa akin.

Imps..

Awtomatiko akong napalakad papalapit sa kinaroonan ni Impakto nang makita ko itong tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. Hahabulin ko sana 'to nang maramdaman ko ang mga kamay na pumigil sakin.

"Alex. Are you okay? Nasaktan ka ba?"

Nag-aalalang boses ni Kurt ang narinig ko. 

I'm not okay. I was hurt. Hurt so bad. And you're the reason why, Kurt..

Gusto kong isigaw yan sa kanya pero hindi ko ginawa. I don't want them to see me hurt. Malamig kong binalingan ito ng tingin at malakas na inalis ang pagakakahawak nya sa balikat ko.

"Don't touch me and leave me alone, b*stard." and he did what I said.

Before I leave I gave both of them one more glance. A very cold one. At tuluyan na kong umalis sa lugar na ýon para sundan si Alex. Lakad-takbo ang ginawa ko maabutan lang ito and thank God I did.

I called him to stop.

"Hey!" tuloy pa rin ito sa paglakad na parang walang narinig.

"Hey, Impakto! Are you deaf?!" inis na tawag ko ulit dito pero parang tila bingi ito at hindi man lang nag-abalang tumigil o lumingon. Nakapamulsa pa itong naglalakad.

Nandito pa rin kami sa parking lot at hindi pa tuluyang nakakaalis. At dahil sa pagkapikon ay hinubad ko ang isa kong sapatos at binato sa kanya na sya namang natamaan sa likod at nakapagpatigil sa kanya sa paglakad.

I called him again but this time by his name.

"Alex!"

He was about to walk away again when I ran towards him and hugged him tight from the back and that made him stop.

"Don't walk away." at isiniksik ko pa ang sarili ko dito.

"Please.."



SANDRA'S POV

"Hey, you okay?" Jayson asked me with his worried face.

I smiled at him and nodded. Ngayon ko lang napansin nandito na pala kami sa tapat ng bahay. Masyado kong lutang netong mga nakaraang araw. 

Haaay..

"If there's anything wrong just tell me, babe. Okay?"

Sabi naman nito sa akin at tango lamang ulit ang sinagot ko dito. I gave him a peck in the lips and went out of the car. I gave him a wave of goodbye before he starts the engine.

Nang tuluyan nang makaalis ang sasakyan nya ay nagtungo na ko sa gate para pumasok. Bubuksan ko na sana ito na parang may kakaiba akong napansin at naramdaman. Pakiramdam ko ay may nakatingin sakin. Luminga-linga ako sa paligid pero wala naman. Madalas ko 'tong nararamdaman netong mga nakaraan. Nang wala akong makitang bakas ng tao ay dali-dali akong pumasok ng gate at dumiretso sa sofa at naupo nang pahiga.

The School BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon