Chapter 7: She Said Yes

246 10 0
                                    

SANDRA'S POV

"BEHLAT! INGGIT KA LANG KASE. WHAHAHA! INGGIT SI ALEEEEX!"

Pagkatapos kong isigaw yun, patakbo akong pumasok sa kwarto at nagtititili. Eh kasi nemen shino be eng di kekelegen keng genete eng nengyere.

FLASHBACK

"Okay. You're not welcome"

Sabi ni Alex bago kami tuluyang umalis. Napapailing nalang ako sa kapatid ko. Kambal ko talaga hindi ata kumakain ng matamis na pagkain. Walang katamis-tamis sa katawan pero alam ko, mahal ako ng kambal ko. May reason lang tlaga kung ba't sya naging ganyan.

"Pagpasensyahan mo na si Freya. Ganun talaga yun." 

Sabi ko kay Jayson habang sya nagdadrive.

"It's okay kaso ang ayoko lang eh yung tinawag nya kong nerd. Ang gwapo ko namang nerd pag nagkataon.""

Napatawa naman ako sa kayabangan ng isang 'to. But seriously speaking, gwapo naman talaga si Jayson. Kahit sinong babae naman ata pag dumaan 'to mapapalingon. Hindi ko alam kung bakit sa kagandahan ko sya nabighani.

"Yabang! May pa nerdy-nerdy glass ka pa kasing nalalaman. Nagpagkamalan ka tuloy na nerd."

 "But seriously, I like your twin sister. She's cool and hot"

Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"So, crush mo na sya nyan?"

"Hmmm. Maybe"

"Maybe your ass eh kung basted-in na kaya kita ngayon ah"

Pagbabanta ko sa kanya. Three months na din kase akong nililigawan ni Jayson and I can say, he's the right guy for me.

"Na-uh. Syempre ikaw pa rin ang mahal ko, 'to naman si Babe selos agad."

I crossed my arms at inirapan sya.

"Babe your face. Buti naman nagkakaintindihan tayo. Teka, san ba tayo pupunta?"

Kanina pa kasi kami nasa byahe di pa rin kami nakakarating sa kung saang lupalop nya ko dadalhin.

"Someone's excited. Chill ka lang dyan. Malapit na tayo."

"K. Fine"

After a few minutes, hininto na ni Jayson ang sasakyan. Lalabas na sana ako nang pigilan nya ko.

"Wait me here. Babalik ako."

At dahil masunurin ako, I stay inside the car. Ngayon ko lang napansin na nasa harap ako ng isang beach resort. Nalaman ko kase may malaking arko sa gate na may nakalagay na, Manhattan Beach Resort. 

May batang lumapit sa sasakyan at kumatok. Dahil sa kyuryosidad at pagkabagot na rin sa loob, lumabas ako ng kotse para tanungin kung may kailangan sya.


"Hello. Ang cute mo naman. Nawawala ka ba?"

Umiling lang yung bata at hinila ako papasok sa resort. May pagtataka man ay nagpahila nalang ako sa bata. Hila-hila nya ko papasok sa resort.

Pagpasok namin may bumato sakin ng isang nilukot na papel na hindi ko alam kung san nanggaling. Panulot ko 'to tsaka tinignan. 'Sundan mo yung arrows' yan yung nakasulat sa papel. Naguluhan naman ako. Tatanungin ko sana yung bata kung ano 'to pero paglingon ko, wala na sya. May mga nakita akong arrow, naguguluhan man, sinundan ko nalang. Mga dalawang arrow palang ang nalalampasan ko, may nakita akong bata na may hawak na isang rose. Inabot nya sakin yun at kinuha ko naman.


Naglakad ulit ako habang sinusundan ang mga arrows. May nakita na naman akong bata pero this time, banner na ang hawak nya. 'MAHAL' yan yung nakasulat don, after that umalis na yung bata. Ilang arrows pa ang sinundan ko at isang bata na naman ulit ang nakita ko. May banner din itong hawak na may nakalagay na, 'KITA'. Tulad nung mga naunang bata, umalis din ito. This time, isang arrow nalang ang nakita ko. Sinundan ko  ng tingin kung saang direksyon ito nakaturo.

Nakita ko si Jayson na papalapit sakin. Sabi ko na nga ba, daming alam talaga neto. Pagkalapit nya, inabot nya sakin ang isang boquet ng bulaklak. 

"For you."

"Thank you."

"Can I have this dance?" 

Nilahad nya sakin ang kamay nya at nakangiti ko naman itong tinanggap. Nag-slow dance lang kami habang may tumutugtog na violin. Ganun lang kami hanggang sa may kinuha sya sa bulsa nya at lumuhod sa harap ko.

Napatakip naman ako ng bibig dahil sa pagkasurpresa.

"Sa loob ng tatlong buwang panliligaw ko sayo. Alam ko sa sarili ko na ikaw na talaga ang gusto kong mahalin. Ikaw lang ang babae para sakin at ngayong magkasama tayo, ayoko ng malayo pa sayo. So, Alex Sandra Marvida, will you be my girlfriend?"

Pagkatapos nyang sabihin yun binuksan nya yung box na hawak nya at kinuha ang singsing. I was speechless that time at ang tanging nasabi ko lang.

"Yes, Jayson"

Nakangiti kong sagot sa kanya.  Sinuot nya na sakin yung singsing at tumayo sya. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi.

"Thank you Sandra. I love you"

Nakangiti nyang sabi sakin at pinagdikit ang mga noo naming dalawa. Ramdam ko yung sensiridad ng pagkakasabi nya. Kitang-kita ko sa mata nya kung gano talaga nya ko kamahal.

"I love you more"

And with that he kissed me. A quick one but full of love.

"Finally! Kayo na din"

"Woah!"

"Ikaw na 'tol"

"Congrats Bessie"

Nabigla naman ako sa mga nagsigawan. Akala ko kaming dalawa lang ang nandito. Witness pala yung barkada. Jayson talaga daming alam.

"Sila yung tumulong sakin para magawa ko 'to nang maayos."

Jayson explained. This time, sya naman ang hinalikan ko. I really love this guy and I'm loving him even more.

END OF FLASHBACK

The School BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon