Chapter 26: When In Danger

80 5 0
                                    

SANDRA'S POV

I felt so helpless and useless when seeing my sister in that situation getting hurt for her to save me and I can't do anything at all. I should be the one who'll protect her. I'm her older sister for pete's sake.

But now seeing her back to her usual state makes me happy and feel so relieve that nothing serious happened to her.

"Sandra, pagbalat mo nga ako ng mansanas."

She commanded but I remained sitting at the couch while looking at her with an amusement and a smile was drawn in my face. I am so happy that she's okay now and still breathing. But my smile fade away when she threw me an apple.

I automatically frowned.

"Para kang tanga dyan. Kung di ka pa batuhin di ka pa kikilos. Dalian mo na nagugutom na ko!" mataray at parang bossing na utos nito sa akin.

Magaling na nga ata talaga ang kapatid ko. Balik na sa pagiging bitch e. Nandito kami ngayon sa hospital. Magtatatlong araw na ding nakaadmit dito si Freya simula nang mangyari ang insidenteng yon. Si Ynah, masamang damo talaga at hindi nalagutan ng hininga pero nasa mental na ito dahil literal na nabaliw na nga. Sana lang talaga matahimik na ang babaeng 'yon. Ang impaktang Ynah pala ang tumawag kay Xander at sinabing nasa kanya daw si Freya which is ako. Tanga talaga ng mga tauhan nya.

Napagdesisyunan ko din na wag nang ipalam kila Daddy ang nangyari since okay naman na si Alex. I don't want our parents to worry.

"Ayan na ho ang apple nyo mahal na prinsesa."

Mapang-asar kong sabi sa kapatid ko at binigay sa kanya ang apple na binalatan ko. Sinamaan lang ako nito ng tingin.

"Pwede ka na daw lumabas bukas. Bumalik ka na sa pagkamaldita e kaya siguradong magaling ka na daw."

Tumatawa kong sabi dito na nakapagpasimangot naman sa kanya agad. Binato naman nito sakin ang kinakain nyang apple na siya namang naiwasan ko.

"Aray ko naman, bruhaha."

Napalingon ako sa likod at nakita ko si Xander na hawak-hawak ang tiyan. Nginitian ko naman ito at binati.

"Oh Xander, nandito ka pala. Wala kang pasok?" nakangiwi naman itong sumagot sakin.

"Meron pero hindi na ko pumasok at pumunta nalang dito kasi namiss ko si Bruhaha kaso binato pa ko siya na nga yung dinadalaw. Tsk."

Malokong sabi nito na tila inaasar si Alex na nakasimangot namang nakatingin samin. Mabwisit nga 'to nang konti.

"Ayiee, sweet naman pala ng Impakto mo sis pero binato mo lang. Ang bad mo talaga. Hays. Sige na, maiwan ko na muna kayong dalawa dito. Alam kong miss na miss mo na si Impakto mo. Oras-oras mong hinahanap sakin eh."

Humalakhak pa ko nyan para maasar lalo sakin ang kambal ko bago tuluyang lumabas ng kwarto at iniwan silang dalawa.


FREYA'S POV


"Totoo bang namiss mo ko, bru? Yiee sabi na eh. Ikaw talaga bruhaha ko pinapakilig mo ko."

Umupo ito sa gilid ng kama habang mapang-asar na nakatingin sa akin at abot tenga ang ngiti. Sinamaan ko ito ng tingin at tinulak palayo.

"Para kang tanga. Naniwala ka naman sa kapatid ko. Lumayo ka ngang Impakto ka." pilit kase itong sumisiksik sa kama na sya namang kinabubwisit ko lalo.

"Ayoko, bru. Tabi ako sayo, ha?" at tumabi nga ito sa akin.

Pilit ko itong tinutulak palayo pero mas malakas talaga sya sakin. Nanigas naman ako sa kinahihigaan ko nang yakapin ako neto at pumikit na talagang akala mong matutulog.

Ang lapit ng mukha nya sakin. Nakatagilid ako at nakaharap dito habang ganon din sya kaya halos magdikit na ang mga ilong namin. Nakapikit lang ito kaya malaya ko na namang napagmasdan ang mukha nito. Ba't ba ang gwapo nya pa rin kahit nakapikit?

Oh Freya, tumigil ka!

Nakatingin pa rin ako sa mukha ni Impakto nang unting-unti nitong idilat ang mata. Hindi ko alam pero nanatili lang ako sa pagtitig sa kanya habang siya ay seryoso ding nakatingin sakin na para bang bawal ang umiwas ng tingin kase matatalo ka. Nakita kong lumipat ang tingin nito sa labi ko at wala sa sarili kong napakagat ako sa lower lip ko.

Unti-unti nyang nilapit ang mukha niya. Ramdam ko na din ang hininga nito. Konti nalang at mahahalikan nya na ko nang bigla kong narinig na bumukas ang pinto at boses ni Sandra.

"Alex, nan--" napatigil sa pagsasalita ang kapatid ko nang makita ang posisyon namin.

Doon naman ako natauhan at malakas na itinulak si Impakto dahilan para mahulog ito sa sahig.

It was too close, damn.

**

"Bru, san ka pupunta?" paulit-ulit na tanong sakin ni Impakto habang parang asong nakasunod sakin kanina pa.

Ngayon na kase ang labas ko ng hospital. Kung tatanungin nyo ko sa kung anong nangyari kahapon e wag na. Puro kabwisitan at pang-aasar lang ang natamo ko. Dinalaw din ako nila Kurt at Nicole kahapon na hindi ko naman pinansin the whole time. Just a waste of time. Duh?

Nakapamewang ko namang hinarap si Impakto.

"Can you just leave me alone?"

Naglakad ako ulit hanggang sa makalabas na ng hospital at para pumara ng taxi. Hindi na kasi ako nag-abala pang magpasundo sa kakambal ko. Like duh? Malaki na ko kaya ko na sarili ko.

"Hatid na nga kita." pangungulit pa nito.

Hindi ko ito pinansin at dire-diresto lang sa paglakad hanggang sa maramdaman kong hinawakan nito ang braso ko. Agad ko naman itong binawi.

"No."

Madiin na sabi ko dito at tumigil na ko sa paglakad nang marating ang gilid ng kalsada at ready nang pumara ng taxi.

"Dali na nga kase bruhaha."

Kulang nalang maglupasay na si Impakto sa pangungulit sa sakin. Natatawa ko sa itsura nya. Parang batang nangungulit.

Seriously, Freya? Oh mind, shut up!

Hinarap ko ulit ito habang nakapoker face lang.

"I said, no. Lumayas ka na pwede ba."

Pagtataray ko dito at ibinalik ulit ang tingin ko sa kalsada. Huli na para mapansin ko ang itim na kotseng humaharurot papunta sa direksyon ko. Mabilis pa sa alas kwatro nang naramdaman kong may humablot sa akin para iwasan ang itim na kotse at nakita ko na lamang si Impakto sa harap ko habang mahigpit na nakahawak sa magkabilang balikat ko at habol ang hininga.

Napatingin ako dito at napatingin din ito sa akin na bakas ang pag-aalala.

"Okay ka lang ba?"

Tango lang ang sinagot ko sa kanya habang seryoso itong nakatingin sakin. Hinawakan nito ang pisngi ko na syang kinagulat ko pero hindi ako nag-abalang alisin ito.

Feeling his touch makes me feel so safe. I feel so safe when I'm with him.

"Runaway with me, Freya."

"I will, Alex."

The School BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon