Chapter 13: Past is Painful

167 4 0
                                    

FLASHBACK

"I LOVE YOU ALEX FREYA MARVIDA! I LOVE YOU ALEX! I LOVE YOU! I LOVE YOU!"

"Kurt, tumigil ka nga. Nakakahiya sa mga tao."

Nahihiya kong suway kay Kurt. Sigaw ba naman ng sigaw dito sa park.

"Titigil lang ako pag sinagot mo na ko at sinabi mong mahal mo din ako."

"Kurt naman eh."

"MAHAL NA MAHAL KO PO 'TONG BABAENG KASAMA KO. GUSTO KO NA PO SYANG MAGING GIRLFRIEND!"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Si Kurt talaga ang kulit.

"OO NA! SINASAGOT NA KITA! MAHAL NA MAHAL DIN KITA KURT KAYA UTANG NA LOOB WAG NA TAYONG SUMIGAW! NAKAKAHIYA NA."

Sigaw ko na and there I said it. I love him too. Pulang-pula na ko sa hiya dito.

"Woah! Talaga? Sinasagot mo na ko? Wala nang bawian ah?"

Masayang sabi nya. Binuhat nya ko at inikot.

"Kurt, ibaba mo na ko."

Binaba nya naman ako.

"Thank you Alex. I love you. Promise hindi kita sasaktan."

"Sabi mo yan ah? Di mo ko sasaktan."

Ngumiti sya at hinalikan ako sa noo. Niyakap ko naman sya.

"I love you, Kurt."

"I love you more."

"Bili mo kong ice cream, yung mango."

"Sure babe."

Mga ilang minuto, napagpasyahan na naming umuwi kasi maggagabi na.

"Bukas, sabay tayong pumasok. Sunduin kita."

Sabi nya pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng bahay. Ngumiti lang ako bilang tugon.

"I love you."

"I love you too."

Hinalikan nya ko sa pisngi. Lumabas na ko ng kotse at kumaway sa kanya bago sya umalis. Pagpasok ko ng bahay, doon ako nagtititili.

"KYAAAH! WAAAH!"

Sigaw ko. Bigla naman dumating yung kambal ko.

"Bakit? Alex? May nangyari ba?"

"Oo sis, may nangyari."

"Anong nangyari?"

"Sinagot ko na si Kurt. Hihi."

"Talaga? OMG! KYAAAH! KINIKILIG AKO."

"Mas kinikilig ka pa ata sakin eh. Haha."

"Syempre naman sis. May lovelife na ang kambal ko."

Nagtatatalon lang kami dun nang maalala ko yung dalawa kong bestfriend.

"Wait lang sis ah. Tawagan ko lang sina Candy at Nicole."

Paalam ko at umakyat ng kwarto ko. 


"Mga Beees! Punta kayo dito sa bahay. May sasabihin akoo."

Kinikilig kong sabi nang sagutin nila ang tawag ko.

"Sakit mo sa eardrums Alex."

Reklamo ng dalawa.

"Basta punta kayo. Hintayin ko kayo. Bye. Hihi"

Mga 20 minutes, dumating na silang dalawa. Same village lang naman kaming tatlo.

The School BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon