SANDRA'S POV
"Ano 'tong nabalitaan namin Sandra? May boyfriend ka na?! Nagkakanda-ugaga kami dito sa pagtatrabaho para mabigyan kayo ng magandang buhay tapos pagboboyfriend agad ang inaatupag mo?"
"Sorry Dad."
Yan lang ang tanging nasabi ko. Kausap ko ngayon sa phone ang daddy ko at galit na galit sya sakin.
"Makipagbreak ka sa kanya dahil kung hindi, uuwi ako dyan at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko dyan sa lalaki mo!"
"But dad, I love him. Can't you just be happy for me?"
"No buts Sandra. Finish your study first."
Napaiyak nalang ako. Kilala ko tatay ko, pag sinabi nya gagawin nya. Bigla namang dumating si Alex.
"Si Dad ba yan?"
Tanong nya sabay kuha ng phone and ni-loudspeak ito.
"Dad, it's Alex."
Cold nyang sabi habang nakatingin sakin. I sigh. Hay, Alex.
"What? Isa ka ring bata ka! Nabalitaan kong may binully ka na naman sa school nyo. My God Alex! Kelan ka ba titino ha?!"
Alex rolled her eyes.
"Eh kayo? Kelan ba kayo uuwi dito?! WALA NA KAYONG IBANG GINAWA KUNDI ANG ATUPAGIN YANG PUNYETANG BUSSINESS NYO NI MOMMY! Kelan ba kayo magkakaroon ng oras para samin?"
Pinandilatan ko ng mata si Alex pero sya nanatiling nakapoker face lng.
"Wag na wag mo kong sisigawan ALEX! I'm your FATHER! Ginagawa namin 'to para sa inyo."
"Seriously Dad? You're my FATHER? Bakit parang di ako nainform? Hindi ko kasi ramdam na may magulang kami eh. Never kayo naging magulang samin Dad, kayong dalawa ni Mommy!"
"Napakawalang respeto mo na talagang bata ka!"
"Ngayon na nga lang kayo tumawag ulit samin ni Ate, panenermon pa ang nakuha namin galing sainyo! MAS MAHAL NYO PA ANG PERA KAYSA SA AMING ANAK NYO! I hate you Dad. Galit ako sa inyo ni Mommy. I HATE BOTH OF YOU!"
"Alex, tama na yan"
Suway ko kay Alext kasi parang sobra na sya. Magulang pa rin namin yun. Binalik na sakin ni Alex ang phone at padabog na lumabas ng bahay. Hinabol ko naman sya.
"Hoy, Alex san ka pupunta?"
"Sa impyerno. Sama ka?"
Pagtataray nya at tuluyan nang umalis. Di ko naman sya masisisi kung ba't sya ganyan. Sobrang sakit ng naranasan dati ng kambal ko pero di dapat ako ang magkwento kung ano ang nangyari sa past nya.
BINABASA MO ANG
The School Bitch
RomanceDon't mess up with a School Bitch or you'll live like a living hell - Alex Freya Marvida
