Chapter 4: The Twin

304 11 0
                                    

YNAH'S POV

Walangyang Freya yun. Napakabitch nya. I swear she will pay for this. Naglinis muna ko ng katawan bago umalis sa pesteng school na yun. Tinawagan ko ang boyfriend ko para magpasundo.

"Babe *sob* sunduin mo ko dito. Hintayin kita."

(Ynah, what happened? Why are you crying?)

"I will tell you later. Punta ka dito. I need you."

(Ok babe. I'm on my way.)

I ended the call. Alex Freya Marvida, be ready for my revenge. You bitch!

FREYA'S POV

"Sis. Wow. Ang ganda mo today ah."

Bungad agad sakin ni Sandra pag-uwi ko ng bahay. May payakap-yakap pang nalalaman. Problema nito? Tinulak ko nga. Nag-pout naman ang bruha. Alam ko may kailangan 'to.

"Wag kang magpout. Hindi bagay sayo. Nakakakilabot. May kailangan ka?"

"Hihi. Ano. Ano kasi? Ano eh."

"Ano'ng ano? Puro ka ano dyan. Letse!"

"Hm. Ano-- Ouch! Ba't mo ko binatukan?"

"Yan ka na naman sa ano mo. Kahit kailan talaga wala kang kwentang kausap."

"Magpapatulong sana ako sayo. May date kasi ako mamaya. Kailangan kong magpaganda. I need your help Sis."

Napatawa ko nang malakas sa narinig ko.

"Ba't ka tumatawa? Wala naman nakakatawa sa sinabi ko ah."

"Hindi kasi ako makapaniwala na may mag-aaya sayong makipagdate. Ano bang pinainom mong gayuma dun?"

"You're so bad talaga. Tulungan mo nalang kaya ako."

Nagkibit balikat nalang ako and ayun nga umakyat na kami sa kwarto nya para maghanap ng isusuot sa date daw nya. Halos isang oras na kaming namimili wala pa rin kaming mapili.

"No"

"What? Ayos naman to ah?"

"Duh? Masyadong pang manang naman yan. Wala ka na bang damit na mas sesexy sa mga yan."

"Wala na. Makapang-manang ka naman."

"Wait. Punta lang akong kwarto ko. Maghahanap ako ng mas maganda."

Pumunta na nga ako at naghanap sa walk in closet ko. Hm. Ano kayang maganda? This one kaya. Hindi to babagay sa kanya. Eto kaya? Tama ito nalang. Di ko pa naman to nagagamit. Kakabili ko palang neto last week. After that bumalik na ko sa kwarto ni Sandra.

"Here. Eto ang suotin mo."

Binato ko sa kanya ang kulay purple na cocktail dress. Hindi makapaniwalang tinignan ni Sandra yung damit. OA masyado.

"Ayoko nyan. Masyadong revealing."

"Revealing your face. Dali na. Wag ng mag-inarte. Hindi bagay sayo."

Pagkatapos ng ilang pangungulit, napapayag ko din ang conservative kong kakambal. Nagmake up lang sya ng light at winagay lang ang curly hair nya and then VIOLA.

"Nagmukha ka ring tao."

"Whatever."

Bumaba na kami nang marinig namin ang busina ng sasakyan. Nandyan na yung date daw ni Sandra. Ako na ang nagbukas ng pinto. Mukhang nagulat yung mukhang nerd na date ni Sandra, pagkakita sakin. Problema nito? Tinaasan ko nga ng kilay.

"What? Para kang nakakita ng multo."

"Sandra. Ikaw ba yan?! You look gorgeous"

I rolled my eyes at him.

"I'm not Sandra, I'm Freya. Sandra's twin. Yeah I know, I'm gorgeous as always. Sandra lumabas ka na!"

"So, ikaw pala yung kinukwento nya saking kakambal nya. Nice meeting you. I'm Jayson by the way."

"Not so nice to meet you Nerd."

"Alex, nagmamaldita ka na naman."

Lumingon ako sa likod nang marinig ko ang boses ng kakambal and nakasimangot na naman sya. Nakakatawa talaga 'to.

"Oh? Nandyan ka na pala Sis. Nice ah, Manang + Nerd = Boring."

At tumawa ko nang malakas pero syempre with poise. Duh.

"Alis na kami. Thanks Sis."

"Okay. You're not welcome."

And with that umalis na nga sila. I wonder kung ano ang magiging date nila. Siguro napakaboring. Pagkaalis nila, umakyat ako sa maganda kong kwarto para matulog.

The School BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon