Chapter 8: Haunt by the Past

223 7 0
                                    

FREYA'S POV

"Ano ba?! Let go of me! Kadiri kayo!"

Pagsigaw-sigaw ko dito sa mga mukhang unggoy na nakahawak nang mahigpit sakin. Kanina pa ko nagpupumiglas dito dahil hindi ko na maatim na madikit ang balat ko sa nakakadiring balat nila ngunit sadyang mas malakas talaga sakin 'tong mga unggoy. And that makes me really mad.

"Ang arte mo naman. Paliligayahin ka namin, wag kang mag-alala."

Sabi nung mukhang palaka sabay haplos sa pisngi ko. Yucks lang. Walangyang Candy kasi, iniwan na naman ako. Nasa bar kasi kami kanina at as usual nakipagharutan na naman yung g*ga. Pasakay na sana ko ng sasakyan ko nang palibutan ako ng mga unggoy na 'to.

"Kahit wag na. Ang PAPANGET nyo! Wag nyo nga kong hawakan!"

Pagtataray ko sabay dinuraan ko sa mukha yung panget. Huh! Bagay lang sa kanya yun. Mukhang napikon naman sakin si unggoy.

"Sinasagad mo talaga ako ah?!"

Galit na sabi nung unggoy. Damn!  Ang epic ng mukha. Napatawa tuloy ako kahit nasa ganto kong sitwasyon. I can't help it.

"Ano'ng tinatawa-tawa mo dyan?!"

Nanglalaking matang sabi neto na halata mong pikon na pikon sakin. Sige lang mapikon ka pang panget ka para mas lalo ka pang pumanget.

"Nakakatawa kasi yang pagmumukha mo. Mukha kang UNGGOY!"

In-emphasize ko tlaga yung word na unggoy para mas lalo syang mapikon.

Galit na galit naman itong tumingin sakin. Akmang sasapakin nya na ko kaya napapikit nalang ako at hinintay na dumapo ang nakakadiri nyang kamay sa makinis kong mukha. Mga 10 seconds na ata akong nakapikit pero wala pa rin akong nararamdaman hanggang sa may narinig akong nagsalita.

"Don't you dare hurt her or else I'll fucking kill you."

Napadilat ako ng mata dahil familiar sakin ang boses nung lalaki. Nakita ko si Imps na hawak-hawak yung kamay nung unggoy.

"Halina kayo!"

Sabi nung lalaking mukhang unggoy at binitawan na din ako ng mga kasama nya. Nagsialisan na sila at kaming dalawa nalang ni Alex (Impakto) ang naiwan. Ugh. Sakit din ng pagkakahawak nila sakin. Magkakapasa pa ata ako neto sa braso.

Damn you, Candy! Lumapit naman sakin si Imps.

"Okay ka lang?"

Tanong nya. Hahawakan nya sana ko pero pinigilan ko sya.

"Don't touch me"

I said in a cold voice. Inayos ko muna ang sarili ko at pumasok na ng kotse.
 
"Wala man lang thank you?"

Bakas ang pagtataka sa mukha nya. Huh! You wish!

"Bakit? Sinabi ko bang tulungan mo ko? Tss"

And with that pinaandar ko na ang sasakyan ko at tuluyan ng umalis. Pag-uwi ko ng bahay, nakita ko si Candy nakaupo at mukhang alalang-alala. Pagkakita nya sakin, agad syang tumayo at lumapit sakin.

"BEEESTFRIEND! I heared what happened to you? Are you okay? You want me to go with you to the hos--"

Di ko na sya pinatapos ng sinasabi nya at sinuntok ko. Yeah. I literally punched her face. Dumugo pa nga yung ilong e. 

"Langya ka! Kung hindi mo ba naman kasi ako iniwan, hindi sana ko mapagtitripan nung mga unggoy na yun"

"Makasuntok ka naman. Sakit ah. Huhu."

"Bagay lang yan sayo"

"Sorry na bes. It's just that--"

"Sorry your face. Landi mo talaga. Basta lalaki nakakalimutan mo ko."

"Sorry na kasi Bes."

"Alis! Gusto ko ng magpahinga."

Sabi ko habang inaalis ang kamay nyang nakakapit sa braso ko.

 "Waaah! Bes, anong gusto mo ng magpahinga? Ang bata mo pa Bes para mamatay. Huhubels"

This time binatukan ko sya. Kung anu-anong pinagsasasabi. Wala namang kwenta.

"Pag di ka pa bumitaw susuntukin ulit kita."

Mukha namang natakot yung g*ga at bumitaw na. Thank God. Makakapagpahinga na din ako. Before going to sleep, I made sure na nakaligo ako nang maayos. Duh? Nakakadiri kaya yung kaninang mga humawak sakin. Baka may germs.

"How dare you! You traitor! Pinagkatiwalaan kita pero inahas mo lang ako. Wala kang kwentang kaibigan!"

"Pano mo nagawa sakin 'to? Bakit? Bakit?"

"Explain?! Di na kelangan, sapat na yung nakita ko!"

"Kurt, please don't leave me. I love you. I forgave you. Wag mo kong iwan. Please? No!"

"Alex! Alex! Alex!"

Bigla nalang akong nagising na pawis na pawis at umiiyak. Nakita ko si Sandra nakaupo sa tabi ng kama ko at alalang-alala. I hug her tightly and cried like a baby. 

 "Nanaginip ka na naman"

"*sob* Ayoko ng balikan ang past *sob* Ayoko na. *sob* Ayoko na. *sob* Masyadong masakit *sob*"

"It's okay sis. Iiyak mo lang yan hanggang sa mawala ang sakit."

Umiyak lang ako nang umiyak sa kanya hanggang sa makatulog ulit ako. Please. Ayoko ng bumalik sa past. Masyadong masakit yung mga nangyari para alalahanin pa.

The School BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon