Dating Kaibigan
Nagsimula tayo sa kaibigan
Magkaibigan na walang kamuwang-muwang
Na hindi man lang napagsabihan
Tadhana; tayo ay paglalaruan.
Nang nagumpisang lumalim ang nararamdaman
Umaabot ng madaling-araw ang usapan
Isang pangyayaring biglaan
Ngunit damdamin ay hindi na mapigilan
Pana ni Kupido sa atin nga ay tumama
Na naghudyat sa bawat pagkikita ay pagkahiya
Ngiti at tingin lang ang nagagawa
Sinamahan pa ng panunukso kaya't umiwas na nga.
'Di kalaunan ako ay iyong niligawan
At nakamit mo naman ang aking matamis na kasagutan
Ngunit bigla kang nanlamig pagkaraan ng ilang buwan
Kaya unti-unting nagwakas ang ating ibigan.
Dumating ang araw na hindi inaasahan
Ating pagsasama ay nasira ng tuluyan
Wala namang nangyaring hiwalayan
Kundi isang pangyayari kahit isa walang nakakaalam
Pagpatak ng luha akin lang nagawa
Sa pag-alis mo , ako ay tulala
Aking damdamin pilit mong binabalewala
Hanggang sa ako'y sumuko na nga
Marami ng nangyari pagkatapos ng maraming taon
Hinanakit sa iyo ay hindi ko na binabaon
Masasabi ko nang ako ay nakabangon
Sa wakas, hindi mo na binabagabag ang aking imahinasyon
Ngunit ang pag-aakalang lahat na ay naayos
Galaw ng tadhana, paiba-iba ang agos
Sa kaguluhang ito, ako talaga ay nakagapos
Pag-ibig ba sa'yo'y hindi pa rin natatapos?
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Ang pag-iibigan bang pinagbabawal ay muli ng pagbibigyan
Dalawang lubos na nagmamahalan
Na pinaghiwalay ng kapalaran
Ngayon ba ay hindi na magkakaroon ng hangganan?
BINABASA MO ANG
Undecided✓
Teen FictionALMO/CORUNUM Series: The Origin "UNDECIDED" Author: JOYFUL_Mystery Status: COMPLETED "Langit sa lupa, magulo na mapayapa, karapatan at sala, ipinagbabawal o malaya, Kalungkutan man ang nadarama, saya ay di maipinta Ako'y bibitaw na, pero mahal pa r...