Twenty-third Ambivalence

12 1 0
                                    

MACEY's POV





After nung foundation week hindi rin halos nagkaroon ng klase dahil preparation naman daw sa Year-end or Christmas Party sa umaga at Lantern Festival sa Friday ng 3rd Week ng December.

Parang lahat kami ay may hangover pa sa foundation week namin. Everyone is excited except for me kasi ang araw na iyon ay ang araw na hindi na dapat nangyari.

Not because I still hold on to something kasi kahit naman anong mangyari hindi naman mawawala yung kirot kapag alam mong it's a part of your life, story and history.

People can stop thinking about a certain memory or just shake-off the feeling that shouldn't be felt kaso ikaw na mismo yung makulit kaya ka nasasaktan eh.

"Ghad Macey ano ba?!" sabay hampas sa ulo ko ng paulit-ulit.

Napatingin sa akin yung katabi ko na kanina pa nga taimtim na nagdadasal at nakikinig sa sinasabi ng pari. Napalakas ata yung pagkakasabi ko kaya agad akong humingi ng paumanhin at pumirmi sa aking kintatayuan.

Nasa labas ako, hindi naman ako nahahamugan or nilalamok parang gusto ko lang mafeel yung breeze at ayoko sa loob siksikan.

It's already 4:30 in the morning and ito ang unang araw ng Misa de Galo o mas kilala sa tawag na Simbang Gabi, kahit madaling araw nga naman kasi.

Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa isip ko at nagkaroon ulit ako ng will para buuin ito kasi last akong nakabuo is noong senior highschool pa ako. Well, it's time na rin naman para magbalik loob sa Kanya.

Mag-isa ko lang dito ngayon kasi hindi ako sinipot ng mga mokong! Paano kasi nag-aya pa sila mag-inuman kagabi ayun hindi nagising ng maaga. Birthday din kasi nung nanalo ng Ms. Best Attire kaya ayun doon siguro sila nagpunta, hindi na ako sumama kasi hindi ko rin naman kaclose yung babaeng yun, nakakahiya naman.

Makakalahati na ko na yung misa at mapapanis yung laway ko, wala akong makausap kaya nakinig na lang ako sa sinasabi ng pari. Ilang sandali lang ay pinatayo na ng commentator ang mga tao para sa Panalangin ng Bayan and then pinagprepare for the offertory.

When the offertory starts hindi na namin kaylangan pumunta sa loob para magbigay ng halaga na bukal sa aming loob kasi may naglilibot ng usherettes.

Nasa tapat ko na yung hulugan ng pera at may sumingit sa gilid ko na kamay, akala mong nakikipag-unahan pa eh. Natabig niya yung kamay ko at nahulog yung ilang mga barya.

Agad naman akong umupo para pulutin ito bumaba rin siya para tulungan ako.

"Ano ba yan! Pwede namang magdahan-dahan." asik ko sa kanya. Napulot na namin lahat ng nalaglag na barya at inilagay dun sa hulugan.

"Sa susunod kasi wag mong agad-agad pinakakawalan." sagot niya habang humahagikgik. Ang kapal rin naman nitong lalaking to at hindi pa nga umalis sa tabi ko parang nang-aasar.

Inirapan ko na lang siya at humalukipkip kaya mas tumawa pa siya lalo.

"Alam mo nakakainis ka!" napaharap ako sa kanya at I was shocked kung sino yung walang hiyang kasama ko ngayon.

Ibinaba niya yung hoodie niya at hinarap din ako, "Sorry, ang sungit mo pala talaga."


Why does his laughter is a music to my ears, makes my stomach flutter and makes my heart skip a beat?

Yung tindig mong no other girls can resist.

Undecided✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon