Thirty-first Ambivalence

13 1 0
                                    

MACEY's POV





"Let's end this night na tayong dalawa lang."


That's the last thing I said bago kami pumasok sa Wheel of Fate.

Gusto ko lang makipag heart-to-heart talk sa kanya. I want to clear the thoughts in his mind na hindi na ako ganun kadaling mawawala.

"Hey" tawag ko sa kanya.

Though, hindi ko alam kung paano ko sisimulan sa kanya yung statement hanggang sa naalala ko yung kapatid ko at yung pamangkin niyang babae.

"about Dennis and Stacey..." panimula ko but, he cut me off.

"Wag ka mag-alala, I also know their situation. Inamin na niya sa akin lahat, ayokong sapitin nila yung paghihirap natin." then he gave me a reassuring smile.

I know there's a lot to take in or to be talked about pero hindi ko talaga alam kung anong mga salita ang dapat sabihin.

"Is daddy okay with you?"

Nawala yung ngiti niya at mukhang iniisip niya rin yung mga katagang dapat banggitin.

Medyo umiwas siya ng tingin sa akin at sinilip ko naman ito just to be sure na hindi siya iiyak or kung magbabago man yung expression niya ay babawiin ko kaagad yung tanong.

He sighed first but, there is a visible hesitation on the answer came out. "Yes, okay na?" suddenly he paused kaya tinitigan ko lang siya lalo waiting for an explanation "But, because of that accident alam kong nagkalamat ulit yung trust niya sa akin."

"what do you mean?" Okay, mas lalo akong naguluhan. Akala ko ba okay na sa province?

He firmly held my hand. Natatakot siya sa isasagot niya. Is there something wrong? Siya ba may pakana nung sadyang pagbangga na yon?

Natatakot din ako sa isasagot niya. Sinasabi ng utak ko na bitawan ko siya pero hindi dapat eh!

Is this a test?

As an answer, hinigpitan ko rin yung hawak ko sa kanya at hindi ko pinakawalan ang pagtitig sa kanyang mga mata.

His reaction says it all, relief.

"Akala ko pati ikaw hindi maniniwala sa akin." yan ang sabi niya.

In just simple gestures nagkaintindihan kami? I mean it's just my instinct.

Ano na bang nangyayari?

Hindi ako updated sa news! Wala rin namang sinasabi sa akin si Kuya at si Dennis.

"Hindi talaga nila sasabihin sayo kasi baka umuwi ka at ipagtanggol mo ko." totoo nga naman. Siya pa rin papanigan ko kasi alam kong hindi siya magsisinungaling, maglilihim nga lang.

My perspective seems really unfair when it comes to him. Ang bias ko na kahit ba mga magulang ko kaya kong pagtaguan. Basta galing sa kanya, katotohanan man o kasinungalingan, paniniwalaan ko.

"Ginagatungan nila yung mga paratang at kasinungalingan ng isa't isa. Sinasabing ako yung may pakana tapos iniharang ko lang yung sarili ko para sabihin na kasalanan ng daddy mo." itinakip na lang niya yung kamay niya sa mukha niya.

Frustrations is all over our surroundings. I don't know what to do, all I did is hug him.

"Everything will turn out good, okay?" A tighter hug from him is what I received.

Undecided✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon