Seventh Ambivalence

25 1 2
                                    

MACEY's POV




'Bzzzzzt.... Bzzzzt..'


I picked up my phone.


"Hmmm.. hello?" Kagigising ko lang at hindi ko alam kung sino yun basta sinagot ko na lang.


'Good Morning Macey. Where are you? Kagigising mo lang ba? I'm here outside your apartment."

"Huh? Anong meron Trist?" Seryoso wala akong kaalam-alam. Ano na namang kalokohan ang nagawa ko kahapon? May nasabi ba ako? Sinagot ko na ba siya?

Ang bilis ng tibok ng puso ko, anong nangyari?

Humagikgik siya sa kabilang linya.

'Baka inaantok ka na nga kagabi. Sabi ko sabay na tayo mag enroll ngayon. Akala ko nga late na ako eh kasi tanghali na ako nagising.'

'Take a look from my last text.' Dagdag niya.

Dali-dali kong binuksan messages ko at nandun nga.


'Pick you up at 7am. See you. Sleep well. :* '


Medyo nabunutan naman ako ng tinik sa aking kaloob-looban baka kasi kung ano na naman ang nagawa ko baka mas gumulo pa ang mundo ko.

Pero nakita ko sa notification ko na nakaraming miss calls na si Tristan.

Tinignan ko yung orasan ko.

IT'S ALREADY 8:15AM!!!

Halah! Ilang oras na kaya siyang naghihintay?

"Shocks wait!"

I ended the call at dali-daling bumaba.

Hindi ko inalintana na naka sleeveless lang ako at shorts na pambahay nakakahiya naman kasi kay Tristan na naghinhintay.

Binuksan ko yung pinto ko at nakita kong nandun nga siya dala-dala yung kotse niya.

Nagmadali akong lumapit sa gate at binuksan ito.

Nakangiti siya sa akin.

"Good Morning Macey."

"Halah! Sorry talaga Trist napuyat ako kagabi. Sorry talaga."

"No. No. No. Need to say sorry. Ayos lang, baka pagod ka kagabi."


Nakakahiya talaga.

Pinapasok ko siya sa loob.

Halah pinaghintay ko pa siya. Inalok ko siya ng makakain pero busog pa raw siya. Kaya inilapag ko na lang sa harap niya yung sandwich na ginawa ko.

Inalok ko siya ng kung ano-ano pero tumatanggi pa rin siya. So, I just opened the television and leave the remote to him.

Siya muna ang bahala riyan.

"Wait. Maliligo lang ako. I'll be fast." Natataranta kong sabi.

"I don't mind to wait. Ayos lang. Take your time." Sabay kindat sa akin.

Umakyat na ako para gumayak.

Natapos ako in 30 minutes.


Undecided✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon