Thirty-seventh Ambivalence

10 1 0
                                    

MACEY's POV




Phone calls.

Yan ang nanggising sa akin.

How long was I out?

Hindi ko alam kung anong oras na pero tutok na tutok sa akin yung araw.

Luminga-linga ako sa paligid ko. I'm not in the hotel nor in my apartment but, this place seems familiar.

Guitar hung on the wall, dozen of stuff toys on the divider, an mini bookshelf where a collections of novels are, bunch of pictures scattered around the mirror and some paintings and drawings above me.

Nasa probinsya ako!

Bahagya akong umupo at may nakapa akong ulo dahilan nang pagkagising ng batang nakadukdok sa gilid ng kama ko.

Kinusot niya muna mga mata niya at naghikab "Tita Macey?" saka siya napamulagat at tumakbo papalabas.

Buong lakas ko namang sinubukang sumandal sa ulunan ko. Nagawa ko nga bago dagsain ng mga tao yung kwarto ko.


Mula nang magising ako ay hindi pa kami nagkakaaroon ng maayos na pag-uusap ni Daddy.

I did try to explain and seek forgiveness pero hindi siya nakikinig,

Umiwas na rin ako sa kanya after I gave him the package Kuya Zac told me to give him. Hindi ko na sinubukang buksan, not even a peek of it's edge baka kung ano pang malaman ko kapag inusisa ko yon!

I didn't give up, gusto ko lang siya bigyan ng space. Baka kasi kapag nakikita niya ako naaalala niya ang pagiging suwail kong anak.

Narinig ko naman sa mga kasambahay na limang araw akong walang malay and it took me a week to recover my strength. I feel so weak huh.

Madalas ko rin makita dito sa compound si Ate Athena. Mugto ang mga mata niya, hindi ko naman siya malapitan dahil sa tuwing lalapit ako ay may bigla siyang gagawin o kaya aalis na lang.

Malaya na rin kaming nakakalabas nila Dennis dahil unti-unti na raw na umaalis ang mga may dugong Nicdao dito. Karamihan sa mga nagte take over sa mga lote ay mga Cruz, Austria, Reyes at Amoroso na di kalaunan ay gagawin na ni Daddy na village-type itong lugar namin.


It's been six weeks since that incident happened. Isang buwan na ring nagcease fire ang dalawang kampo.

Wala pa rin akong balita sa mga nangyayari, wala rin kaming koneksyon ni Eros. Minsan nakikipag-usap ako ng palihim sa mga tropa pero wala rin silang know sa mga whereabouts niya.

Hindi na rin nagpaparamdam sa school si Jamina at wala rin daw kaalam-alam mga alipores niya.

Bukas, babalik na ako ng school para ayusin ang mga requirements ko para makuha ang diploma ko. Well, I guess I did a good job kaya binigyan ako ng merits ng Canyon Cove Hotel Beach Club Admins para makapasa sa ojt kahit ba nangyari yun.

After ako iuwi ni Daddy, he took cared of everything. He contributed to upgrade the security of the hotel and resort para na rin siguro hindi masira yung name ng place na yun sa mga costumers. Para rin mapagtakpan at di kumalat yung ilang sides ng issue.

Hay! Nagagawa talaga ng kapangyarihan at pera.


"Macey! We missed you so much!" sabay-sabay nilang bati at yakap sa akin.

Dito ako sa G.H. dumeretso, nagbabakasakali, umaasa.

"So Girl anong ginawa mo dun sa province niyo?" tanong ni Michael sa akin na nagboses babae pa na ikunagulat ko.

Undecided✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon