Seventeenth Ambivalence

22 1 0
                                    

MACEY's POV





Hindi naman siguro ako magiging lantang gulay kasi sobrang ubos energy talaga yung ginagawa naming practice for the on job training. Ultimo mga sasabihin eh kaylangang ipractice, as in bawal ba mag-adlib?

Natapos nga ang isang linggong nakakapagod na puro ganoon ang gawain, pasok sa umaga ng 8:30am hanggang 12 noon ay nagpapractice kami ng mga dapat at tamang gawin from the job of usherettes, waiters, cooks, dishwashers and servers. Tuloy-tuloy iyon may mga 20 to 30 minutes break lang pagdating ng alas-dies ng umaga.

Then lunch break, tapos papasok ulit kami ng 2 in the afternoon exactly for the actual performance ng pagluluto ng hot dishes kapag Monday, Wednesday and Friday at pastries naman kapag Tuesday and Thursday.

Para na rin itong on the job training kaso pang school level pa lang, kasi kadalasan may bisita itong school namin o kaya naman ay may gaganapin na malaking events lalo na ngayong nalalapit na Foundation week at Christmas theme events. Para kapag inilabas na kami sa school ay hasang-hasa na kami.

Then, after nito depende pa rin kung anong oras makakaalis, pagkatapos ng program dun pa lang makakauwi kaya hindi ko na rin gaanong nakakasama yung buong tropa.

Minsan makakasalubong ko sila sa daan, from the Culinary Laboratory or yung kitchen na papunta doon sa event hall, magkakangitian lang kami tapos balik trabaho na naman ako kaya hindi rin ako pupwedeng makipag chikahan.

Thankfully, hindi pa ako pinag-iinitan ni GRRRRRRR, si Chef Rodriguez ay, pero I believe on the saying 'Expect for the worse.'

Nakakakilabot!


After three weeks eto naman kaming nagpeprepare for the celebration of our university's founding anniversary. Starting 2nd week of December ay start na kaya puspusan ang pagtetrain sa amin at pagpapagawa ng props and design for the function rooms, event halls and the auditorium for the events next week.

We are helping the Tertiary Student Council ng University of Corunum, our school, kaya inaabot kami ng gabi kasi by Friday dapat tapos na lahat so kapag weekends na makakapagpahinga na ako!! Este kami pala haha.

We were so busy cutting and gluing the paper crafts sa stage kaya medyo showbiz kasi ang daming dumadaan.

Marami naman kami dito kaya hindi rin ako pansin pero uwian na at ako pa talaga yung inuutusan nilang magpalakad-lakad bumili ng kung ano pang kulang o kaya magpaalam sa mga teachers and professors.

Pagkatapos ng so many utos na ini-exercise ako ay bumalik ako sa bleachers kung saan kami gumagawa ngayon.

Nag-aayos kasi yung band society ng school namin ng mga instruments nila sa stage. Ewan ko ba pakitang gilas siguro. Pwede ring nagpapractice sila kaso bakit sa stage pa kung saan inaayos namin?!

Maingay sa pinagpupwestuhan namin dahil auditoruim to hindi maiiwasan na may nakatambay kasi may nagbabasketball din, eto na rin ang nagsisilbing gymnasium ng mga basketball players na hindi naman nagtetraining yung mga naglalaro lang.

"Kaya pala ang daming audience." I chuckled.

From afar nakikita kong nagkikipaglaro si Michael and Jester with JC playing three sides ata yun o kaya alley hoop?

And every time na makakashoot sila the crowd cheers!


"Uy friend kilala mo yung bagong guitarist ng Corunum Music Band Society?"

Undecided✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon