MACEY'S POV
The hours of this day passed so fast. Ang bilis lang ang mga araw na to!
Habang inaayos ko yung completion papers ko for merits and credits nasusulyapan ko yung mga nagpapakilalang mga estudyante sa every class tapos binigay lang yung mga requirements at pag-aaralan nila sa subject na iyon.
Well, kahit papaano masaya naman kasi marami akong free time dahil after 4 semesters in my chosen course eto ako mag-eensayo na lang para ihanda sa darating na OJT.
Mabilis ang transition ng Culinary Arts sa school na ito dahil nakabase rin ang binibigay nila back when you are still in highschool and since I've been studying and verified with all types of National Certificate needed, I got the advancement I deserved.
Yun nga lang hindi tumugma ang araw na to sa gusto kong mangyari na para bang may ibang pinaplano ang tadhana sa buhay ko at mukhang ako ay sasalungat na naman sa kagustuhan ng kapalaran.
Kung siya magdedesisyon sana naman ay ayusin niya kasi hindi ko gusto yung ginagawa niya. As in unang araw pa lang bad trip na ako.
Who would have expect na ang babaeng nagbuild up ng personality na tatahi-tahimik sa classroom ay makakaranas ng lahat ng paraan ng kahihiyan sa loob lang ng kalahating araw!
Oo, gusto ko naman yung napapansin ako pero not in the way na ipapahiya ako sa loob ng classroom o kaya naman yung nalulutang ako kaya lagi akong napapansin
And it's the fault of that mushroom guy!
Oo! MUSHROOM! KABUTE! Pasulpot-sulpot kahit hindi mo naman ginustong pumunta.
Iyon talaga yung bumabagabag sa akin, sa dami-dami ng additional assignment na ibinigay sa akin siya pa rin talaga ang hindi mawala-wala sa isip ko.
Pero why am I so affected?
Hindi ko naman siya kakilala.
Eh, hindi ko pa rin naman nakikita yung mukha niya.
Ang tanging clue ko lang ay ang figure niya at boses niya.
Sadyang may kakaiba lang sa aura niya na gustong-gusto kong malaman. Out of my curiosity, I am so obsessed to investigate his identity.
Yung para bang konektado kayo sa di mo malamang paraan.
Nakakatakot nga eh, kinakabahan talaga ako sa iniisip ko pero his presence is really bothering me!
Papunta ako ngayon sa shack namin at dahil wala na naman ako sa focus ko ilang beses na akong natatapilok at muntik tumama sa poste. Ayon nga, since maaga ang uwian ngayon paniguradong doon na naman kami tatambay hanggang matapos ang gaganaping pagdiriwang.
Napatingin ako sa langit ako makulimlim na, ang bwenas naman mukhang uulan pa, wala pa naman akong dalang payong.
Bawat yapak sa na aking tinatahak ay siya ring pagbagsak ng mga tubig mula sa itaas.
Malayo pa lang dinig ko na ang boses ng buong barkada at halatang nag-eenjoy na sila. Eh hindi pa naman ako nanlilibre? Wala pa namang pagkain ahh? Anong meron? Sorbang pre-occupied ko ngayon.
Dere-deretso na ako sa G.H. at buti na lang nakaabot ako bago tuluyang bumuhos ang malakas na ulan.
Nakita kong may nakasabit na banner na 'WELCOME' na sinasabit lang naman kapag may bagong member.
BINABASA MO ANG
Undecided✓
Teen FictionALMO/CORUNUM Series: The Origin "UNDECIDED" Author: JOYFUL_Mystery Status: COMPLETED "Langit sa lupa, magulo na mapayapa, karapatan at sala, ipinagbabawal o malaya, Kalungkutan man ang nadarama, saya ay di maipinta Ako'y bibitaw na, pero mahal pa r...