Fourth Ambivalence

27 2 3
                                    

MACEY's POV





Pumasok ako sa loob para lagyan ng mainit na tubig yung noodles ko.

Masyado akong natungkot sa tanawin ko sa labas at saka nilalamig na rin ako sa mga pagpatak

Siguro kung ganoon nga ang nangyari sa amin baka magmartyr ako sa magulang ko?

Pero mukhang hindi eh.

Kasi hindi naman lamang siya gumawa ng paraan para makipag communicate sa akin.

Pero ayun na 'yun.

Ilang beses ko pa bang ipapaalala sa makulit kong sarili na magpinsan kami, blood-related, magkamag-anak, same ancestors bullcrap

THE END!


Pagpasok ko sa loob ay umihip ang malakas na hangin at may nahulog na bagay sa harap ko.


"Shemaaaaay!!!!!"


Napapikit ako, napatalon at napaatras.

Sobrang takot ako at this moment.

Pero nilapitan ko pa rin yung bagay na nahulog.

Pagtingin ko rito ay hindi ko alam ang gagawin ko.


Pupulutin ko ba?


Syempre, pinulot ko pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.


Saya?

Takot?

Sakit?

Basta halo-halo eh!


Yung bouquet na ibinigay sa akin nung lalaking iyon noong 18th birthday ko.

Natawa na lang ako.

Lanta na yung mga bulaklak pero hindi ko pa rin magawang matapon ito.

Parang yung feelings ko sa kanya.

"Ganito na ba kabored ang tadhana ngayon and in just one day ay talagang ibinubungkal sa harapan ko ang lahat ng isinantabi ko na?" hinaplos ko yung bawat lantang talutot ng rosas. Amoy alikabok na pero nagawa ko pa ring itapat sa ilong ko at amoyin to. Napapikit na lang ako saglit at dinama ang pangyayari na parang kahapon lang nangyari ang kasiyahang hindi mawawala sa puso ko.


At this moment.

I'm still Undecided.


Ito ba yung sign?

Does he want me back too?


Ito agad yung unang dalawang linya na pumasok sa isip ko pero dahil hindi ko matukoy ang nararamdaman ko may kokontra pa rin kahit papaano.


Utak:

Tama na Macey ha! Marami ka na namang naiimagine.


Undecided✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon