Thirty-eighth Ambivalence

12 1 0
                                    

EROS' POV





Sa laro ng buhay hindi mo talaga makokontrol ang takbo nito.

Maaaring sang-ayon sa iyo ngunit,kadalasan talaga ang mga nangyayari ay salungat sa kagustuhan mo.

Gillian Eros John, isang lalaking sumugal sa komplikadong laro ng pag-ibig.

Aminado akong gago ako nung kabataan ko, pabor sa akin ang takbo ng mundo, ako may hawak ng mga puso ng mga babaeng hinahangad ang isang tulad ko.

Pero noong ako na ang nangarap?

Syempre, ibinigay pa rin sa akin.

Akala ko yun na, masaya na eh!

Kaso may twist pala kaya binawi rin kaagad.


Kung gumaganap nga lang kami sa isang music video pwede na naming iportray yung Huling Sandali ng December Avenue eh!

Sa katunayan puro December Avenue highlights ng love timeline namin.


Hoy! December Avenue? Bakit ganyan yung pangalan niyo?! Eh diba dapat Christmas songs? Bakit ang lulungkot? Kayo ba founder ng Samahan ng Malalamig ang Pasko?

Masyado kayong mapanakit ah!


Masyadong eksakto yang mga kanta niyo sa pinagdaraanan ko!

Masyado na kayo ah!

Masyado...

Masyado naming minahal ang isa't isa pero kami nga ba talagang dalawa?


Sabi niyo nga sa pinakapaborito kong liriko ng kantang iyon


At sa bawat minuto ako'y di natuto
Ipilit mang iba ako'y maghihintay sa'yo.
Ikaw ang aking kapiling sa huling sandali,
Kasalanan ba kung puso natin ang magwawagi?


Kinanta ko yung huling linya ng kantang iyon.

Hindi ko mapigilang hindi maapektuhan. Para naman kasing tanga tong playlist ko! Hindi ako tinatantanan. Pinunasan ko kaagad yung luha ko bago pa ito tumulo kaya naalimpungatan si Jamina na kanina pa nakahimbing sa balikat ko.

"Bakit hubby?"tanong niya sa akin.


Mula sa huling sandaling kapiling ko siya, naging huli na ang lahat sa pagitan naming dalawa.

Parang kaylan lang ang saya-saya namin, walang iniintinding problema.

She was my light, my strength in everything.

Siya ang dahilan ng pagbabago ko, kung bakit eto ako ngayon puno ng pag-asa, laging positibo sa haharaping problema.

Hindi naman talaga ako ganito, nahawa lang ako sa kanya!

Irish Psyche Jane, ang babaeng dumating sa buhay ko na sobrang happy-go-lucky and spreading good vibes everywhere kahit magmukha siyang siraulo sa harap ng marami.

She is the blessing I never expect yet, she's what I really needed.

Napakakulit! Lagi akong pinanggigigilan, parang kapag makikita pa lang ako gusto na akong kurutin, kagatin at sapakin but. in times of hardship lagi siyang nadiyan, handang makinig, mag-advice at pasayahin ako. Sobrang maalalahanin at maalaga.

Undecided✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon