Twenty-fifth Ambivalence

16 1 0
                                    

MACEY's POV





It's been 7 years pero ang lakas pa rin nang impact ng date na ito sa akin. Ang aga kong nagising kasi ang aga ko ring nakatulog kagabi iniisip kung magsisimba ba ako today or tutunganga lang ako, makikipag eye to eye sa kisame ng bahay na to.

Leaving the comfort of my bed dumeretso ako sa banyo para maligo at mag-ayos ng sarili then, I am off to go,

Same as always, malamig pero I choose to wear a denim hoodie longsleeved dress and a pair of white shoes. Hindi ko alam feel ko lang mag ganito. But today, wala yung makulit kong kasama.

Baka umiiwas sa akin yun sa nangyari kahapon, baka tinake niya yung advice ng babae na nasa loob ng kotse na wag na akong samahan pero yung sinabi niya na I am not worth it? Why? Wala namang something sa amin ni Jeremy ah baka yun yung girlfriend niya, shocks! Baka na misunderstood niya kami.

"Lalim naman ng iniisip mo." A familiar voice came into me. Natauhan ako at nakita ko siya sa tabi ko. "Kanina pa ako nandito, hindi mo ako pinapansin." natatawa niyang sabi.

Napatitig lang ako sa kanya. Why am I so happy to see him?

Umiwas na lang ako ng tingin at nanahimik.

Well, sino ba namang hindi? Bigla-bigla siyang susulpot na parang walang nangyari kahapon, na parang hindi niya ako pinapansin buong maghapon ah! Medyo nakakagulat you know?

The mass just ended quickly uuwi na dapat ako pero inaya pa ako ni Jeremy kumain sa labas. Hindi sana ako papayag kaso naring ko na libre niya, edi sige, masamang tumanggi sa grasya.

Nagpunta kami sa McDo, marami rin namang tao dito pero hindi kami nahirapang umorder, maganda pa yung lugar na napwestuhan namin. It's my lucky day siguro not reminding me na ito yung araw na kinamumuhian ko.

Sulit naman yung treat niya sa akin and before we just part our ways, he called my name and held my hand.

"Ahm, Macey!"

Napalingon ako sa kanya hinihintay kung ano yung sasabihin niyang katuloy.

"ah, wala pala." saka siya napakamot sa ulo niya sabay ng pagbitaw niya sa kamay ko, napangti naman ako sa ginawa niya. Well, ang awkward ha! Just the time I am about to go bigla niyang nagsalita "...kung ano mang mangyari, stay strong. Wag mo silang hayaang gibain ka ulit kasi lalaban na rin siya." he just smiled and walked away.

At ako na naman itong naiwan na parang tanga, napatingin sa kamay kong hiwakan niya.

"Ano yung naramdaman ko? Bakit parang may connection? Wait, may suot rin ba siyang pulang purselas?"

Titignan ko pa sana ulit siya pero hindi na siya naabutan ng paningin ko.

Nagpahinga lang ako saglit sa bahay para kuhanin yung ireregalo ko para sa nabunot ko sa Year end party ng umaga, that reminds me one other time nung nasa book shop ako, nakita ko si Jeremy may tinitignan sa bookshelf, hindi na rin ako nagpakita kasi he seems so serious in finding a book or whatsoever. Nagpalipat-lipat rin siya sa ilang mga shelves na parang matataranta kasi hindi niya makita yung bagay na iyon, lalapitan ko na sana siya kaso bigla siyang lumabas at lumipat sa katabing jewelry shop. Nakalimutan ko itanong sa kanya.

Hindi na ako dumaan sa G.H. dahil dumeretso na ako sa classroom. Buti na lang at maaasahan ko yung mga kaklase ko sa paghahanda ng meals. Nagcontribution naman kami pero sila na rin naman ang nagluto, onting push pa at makakapagpahinga na ako.

Undecided✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon