Twenty-eighth Ambivalence

14 1 0
                                    

MACEY's POV




Tumahimik muna kami sa hagikgikan namin at nakinig sa kanta. Well, hindi pa rin naman niya binibitawan ang kamay ko na parang hindi na ulit niya mahahawakan.

"hoy, wag mo na akong hawakan, hindi naman ako aagawin eh." pabiro kong sabi sa kanya kasi nakalipas na ang ilang kanta, hindi pa rin niya magawang inaalis, yung tipong medyo nagtutubig na mga kamay naming naghihimala na eh wapakels pa rin tong baliw na to.

Hinigpitan pa nga niya lalo ang pagkakahawak, "mahirap na, baka bigla ka nilang agawin sa akin na hindi ko man lang namamalayan." at muling hinalikan ang likod ng aking palad

Nginitian ko na lang siya saka humilig ako sa balikat niya.

Siguro okay lang naman na sulitin ang gabing ito na ganito kami kasi baka bukas sa makalawa, bumalik na kami sa dati na maraming bawal. Maraming humahadlang sa munti naming kasiyahan.

"alam ko na! Dali sumama ka sa akin." dali-dali niyang sabi sa akin at hinila ako papunta sa harap. Hindi ko na nasundan ang susunod na nangyayari basta may kinausap siya at ngayon ay nandito kami sa itaas na may nakatutok sa amin na nakakasilaw na liwanag at hiyawan ng mga taong nakakabingi.

Ibinigay niya sa akin yung isang mikropono at lumapit muna siya sa lead guitarist at saka bumalik sa pwesto namin.

Sa pangatlong hampas ng drumstick ay nagsimulang lumabas sa kanya bibig ang liriko ng isang kantang talagang masasabing nagdidikta sa kalagayan namin ngayon.

Kung hindi rin lang
ikaw ang dahilan
pipilitin ba ang puso kong
hindi na masaktan

Sinabayan ko na rin siya sa kanyang pagkanta pero huminto siya pero katulad noong sa orihinal na tugtog nito, babae ang sumunod na kumanta.

Kung hindi ikaw,
Ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa
Para sating dalawa.

Medyo masakit talaga bawat bitaw ng liriko lalo pa at nagmumula sa akin, na bawat buka ng aking bibig ay ang siyang kirot rin na nararamdaman ko sa puso ko. Napahawak na lang ako sa dibdib ko.

Huminto ako sa pagkanta. Nararamdaman ko ng nangingilid ang mga luha sa aking mga mata. Nakakadala kasi yng kanta.

Giniginaw,
Dahil di makagalaw
Nahihirapan ang pusong
Pinipilit ay ikaw

Noong papa-umpisa na ang koro ay noong akma kong ibababaang aking kamay ay saka niya ito hinawakan.

Kung di rin tayo sa huli,
aawatin ang sarili na makita kang muli
umibig pang muli

Na para bang ito ang katotohanan kasi wala ng makakapagbago sa desisyon ng aming magulang. Na para bang sinasabi na ano nga bang gagawin namin kung sakaling hindi kami ang siyang magiging end game ng laro ng tadhana.

Kung di rin tayo sa huli
aawatin ba ang puso kong
ibigin ka?

Makakahanap pa ba ako ng mas better sa iyo kung ikaw nga ang sinisigaw ng martyr na pusong to? Pigilan man tayo ng kung sino man at ano diyan pero hindi nila ako mapipigilang mahalin ang lalaking laman nito.

Nag-iba yung pasok ng kanta pero pamilyar pa rin sa akin kung anong parte ito. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko gayun din naman ang ginawa ko sa kanya. Ayokong bumitaw! Masakit! Paano na naman ako kung siya na naman ang bumitaw? Hindi ko kakayanain.

Undecided✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon