Twenty-second Ambivalence

15 1 0
                                    

MACEY's POV





Bumalik na kami sa event hall, buti na lang at hindi pa natatapos ang pageant kung saan nakikita kong chinicheer ni Alex yung tatlo naming kaibigan na kasaling pinagpipilian for the Face of the Night and The Best Attire.

Saktong napatingin naman si Tristan sa akin noong nakatingin ako sa kanya, sumenyas naman ako ng 'Good luck' at ngumiti bago ako mag-iwas ng tingin. Nakita ko naman na nangiti siya.

Good luck din a akin, sana hindi ako mahirapan.

"Okay contestants flash your brightest smiles and best pose for the judges to decide our winners." sabi ng Masters of Ceremony na siyang nagpagalaw sa mga kalahok para ipakita ang pinakapanlaban nilang awra para makamit ang title for this school year.

Habang yung sound system ang nagpapatugtog ng sounds na pangcompetition ay nagkakagulo ang mga student council at ilang mga teachers sa likod.

Magtatago pa sana ako pero huli na nang nakita ako ni GRRRRRR.

BAKET?! Sumpa na ba ito?

"Ms. Yambao, ikaw na lang ang kumanta doon kasama yung banda."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya pero hindi ako maka-oo. hindi rin ako maka-hindi pero bigla akong kinabahan kasi si Chef Rodriguez na yan eh. Lahat ng mga challenges niya dapat go.

Tinawag pa niya ang presidente ng student council na si James Denvert, ang aming katropa na kagagaling lang OJT kaya hindi nakagalaw sa pag-aayos ng event na siyang naging dahilan kaya wala talaga akong takas kasi naririnig niya akong kumakanta.

Eh hindi naman ako lasing ngayon. Lalong hindi rin malakas loob ko kasi hindi ako nakapag-ipon!

Walang practice-practice ay isinabak agad ako ni GRRRRRRR at James bilang kapalit ni Angel na vocal doon sa band.

Hindi ako prepared, as in, hindi ko rin alam kakantahin pero sabi nila wag daw ako mag-alala kasi may kaduet naman daw ako na mas lalong nagpakaba sa akin kasi hindi ko alam kung kelan ako papasok, kakanta, magsesecond voice!

Sana yung ibigay nilang kanta yung talagang madali lang talaga kasi kung hindi masisira yung event na ito at ako na naman ang may kasalanan.

Ayokong marecognize sa ganoong paraan.


"PARA SA MGA TAONG UMAASA SA COMEBACK!"

Napuno ng hiyawan ang buong gymanasium habang ako ay natutuod na dahil sa spotlight na nakatutok sa akin.

"MGA TAONG NANINIWALA SA SECOND CHANCE."

Napa-aww naman ang mga nasasaktan at nakakarelate.

"ANG MGA KANTANG ITO AY PARA SA INYO."


Yan ang huling sinabi ng mga emcee bago magsimulang tugtugin ng banda ang intro, pamilyar ang kanta at malapit nang mag-umpisa ang pagbanggit ng bawat liriko.

Pagdilat ko ay kakanta na sana ako pero may humawak sa balikat ko na senyales na hindi ko pa time para kumanta.

Si Jeremy.

do you remember how it felt like?
I still remember how the days that end, the weeks and months
we were together for so long
I haven't noticed, that we're falling down too fast

Undecided✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon