Sixteenth Ambivalence

17 1 0
                                    

MACEY's POV






"Buti naman napagdesisyonan mo nang magpakita!" bulyaw sa akin ng mga kaibigan ko.

Actually, I am happy.

Ang saya lang na makita sila after those days na wala akong magawa kundi magmukmok, umiyak, mag-isip, magsisi, manghinayang, ewan ko ba basta overall malungkot ako kasi masakit? O nasasaktan lang ako kasi hinahayaan kong saktan ako ng mga nakikita ko, ng mga naalala ko ng mga pinapahiwatig sa akin na sinusubok ako kung kaya ko na ba.

Ang problema siguro, nakakapit pa din ako kahit dapat matagal na akong bumitaw.

Ang mali ko rin naman kasi hindi ko naipagtulos ng kandila yung puso kong ligaw noong sembreak kaya siguro hanggang ngayon lutang pa rin o baka naman hindi ko naibaon sa libingan yung feelings ko sa kanya.

"Kaaga-aga iniisip ko na naman siyaaa!!" para akong tanga na kinakausap yung sarili ko sa isang gilid.

Andito ako ngayon sa gang house namin, buti na lang at medyo lumuwag-luwag na yung schedule ni Kuya Jep kaya siya daw munang bahala kila Dennis at Junnah.

Bago pa mag-alas cinco ay nakarating na ako dito. Lahat naman kami ay may duplicate ng pinagtatambayan namin kaya walang kaso kahit hanggang anong oras o kung ano mang oras ka maparito.

Pero pagkarating ko kanina parang dito sila natulog kasi ang daming nakakalat na baso, mga unan, kumot at kung ano-ano pang plastic ng mga junk foods.

Nakita ko rin si James na nasa isang tabi, umiinom ng kape at inaaral yung libro niya na patungkol sa calculus habang ang iba naman ay nasa kusina o nasa banyo, kumakain o naghihilamos.

I have a feeling na nagkaroon sila ng session kagabi kaya ni isa sa kanila even Angel ay hindi nangulit.


"Uy, mukhang kanina ka pa nababahala."

"Parang ang tagal mo ng ganayan, anong meron?"

It is a strange sight to see Michael and Jester talk to me sincerely without any teases.

Napalingon pa ako at tinignan kung ako talaga kinakausap ng dalawang mokong na ito kasi parang isang himala talaga eh!

I heaved a deep sigh first and smile at them while nodding but, they are not satisfied. They already know there's something going on that I really don't want to share.


"Something personal kasi kaya ganito lang ako makabehave." sagot ko sa kanila kasi ayokong pang-usapan ngayon kasi may pasok, I need to focus and I don't want to cry in front of the gang! Kaylangan kong magpakatatag.


Ayokong isipin nilang ang hina ko, ayokong isipin nilang ang drama ko na naman.

"Do you want to talk about it?" Jester said.

"Kasi last time we saw you na nagkakaganyan is noong incident na yon, may nangyari ba ulit?" dagdag naman ni Matthew.

"Kaya nga Macey, care to share?" sabat ni JC na mukhang kanina pa nakikinig sa usapan namin o na-overheard lang niya"Diba my brother Tristan? Hindi ka ba nag-aalala sa iyong sinisinta!" saad niya muli habang nakaakbay at inaasar ang kanyang kakambal na ngayon ay naiilang kasi hindi ko pa rin pinapansin.

Undecided✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon