Nineteenth Ambivalence

16 1 0
                                    

MACEY's POV





Ow.

Nakakahiya man pero kinamayan ko pa rin siya, mas nakakahiya naman kung hindi ko siya kamayan no. Besides, niligtas niya ako doon sa punishment na libre-libre na yun.

I know it's too early to say but, whenever he is around nakakaramdam na akong hindi ako magiging kumportable.

Nandito pa rin kami sa bahay tambayan, nagjajamming lang at magkakaroon ata ulit ng sleep over.

"Opss sandali, magsitigil, kataimikan" pumagitna si Jester sa mga tumutugtog para makapukaw ng atensyon "mukhang hindi pa kilala ni Macey itong si Jeremy my boy kaya ipapakilala muna natin siya sa kanya." karagdagan niyang banat

Tumahimik ang mga instumentong tinitipa kanina at boses nang hagikgikan ang naririnig. Mukhang napagdiskitahan nga nilang aasari kami ni Jeremy dahil nga sa nabanggit kong pangalan kanina.

Usually, nakikisabay ako sa ganoong trip ng tropa pero I feel different this time, naiilang na lang ako sa isang tabi habang nakatakip yung mga kamay ko sa mukha.

"oy kayo naman! Parang wala dito si Tristan!" biglang sumabat si JC at inakbayan yung kakambal niya na mukhang kanina pa naiinis. Ghad, ganun ba ako hindi ka-aware sa feelings niya? "Ano kambal? Isasalvage na ba natin?" inalis naman ni Trist ang pagkakaakbay ng kakambal sa kanya at nagpunta sa labas.

Ako? Hinayaan ko lang siya. I know privacy, baka gusto lang niyang mapag-isa. Nanahimik na lang ako sa isang tabi at sinimulan nang subukan sinabayan ang mga trip nila.


Magaan lang ang atmosphere sa loob ng bahay, hindi rin pansin ang pag-alis ni Trist parang happy-happy lang ulit.

Ako lang naman may kakaibang nararamdaman kasi kanina pa talaga ako hindi kumportable sa presensiya ni Jeremy.

Sa pagkakarinig ko kanina siya raw ay isang so called heartthrob sa bayan nila na sa sobrang pogi daig pa ang artista sa pangangamusta sa mga taga-hanga niya.

Tch, typical!

Oh diba, sa simula pa lang parang ang yabang na, there's no confusion na agad niyang nakasundo yung mga badboy, playboy at heartbreaker ng grupo.

Let's wait kung siya na ang kukumpleto sa seat titled as "Fuck Boy".

Siya raw ang lalaking kahit kaylan handa magpakilig sa isang text message lang.

Ang lalaking magpapasaya sa inyo kapalit ang isang masakit na kabayaran.

At laging pinagmamalaki ang kanyang kakisigan sa kabila ng mahiyain niyang personalidad na kahit ganoon ay ang daming nagkakandarapang babae at binabae sa kanya.

Dahil sino ba naman daw ang hihindi sa charms niya? Eh sa gwapo raw ba niyang iyon pati mga bakla o lalaki naku, kahuhumalingan siya.


Well, except for me! I yawned and sighed many times nung pinapakilala siya ni JC pero bigla lang siyang nagsalita "Oo, Masyado bang mahangin pakinggan pero ano bang magagawa niyo? Eto ako, isang gagong gwapo!" habang nagpapapogi sa harap naming lahat

Wow, may boses pa pala siya, akala ko nilamon na siya ng hiya sa pagpapakilala sa kanya.

Naiirita na akong hindi ko matanto, kung malditang warfreak lang ako baka sinaksakan ko ng lukot na papel bunganga ng ungas na ito!

Undecided✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon