Second Ambivalence

40 2 3
                                    



'Sa isang mundo na nahahati sa Liwanag at Dilim, matindi ang nagaganap na pag-aaway. Ngunit, sa paglipas ng panahon unti-unting nagkakasundo ang dalawang panig. Naging masaya na sila, wala nang gulo, wala na ring away.

Si Lily, isa sa mga kalahi nang Liwanag ay napakamasaliksik na dalaga. Marahil nga magkasundo na sa panahong ito ang dalawang panig gusto niyang dumayo at magsaliksik sa kabilang panig.

Marami-rami na rin siyang naging kaibigan roon nakakalaro.

Sa pagtanda nilang magkakaibigan mas nagiging malawak na ang pag-iisip at nahuhubog na ng husto ang katauhan.

May iba-iba na rin siyang nararamdaman.

Isa naman sa mga panig ng Dilim ay si Dillan, isang hindi gaanong nakakasalamuha ni Lily sa kanyang mga nakakasama.

Sa kalagitnaan ng dalawang panig na dati ay isang battle field na ngayon ay isa ng paraiso, katulad ng mga ordinaryong araw ay doon naglalaro at naglilibot ang mga nasasakupang ng Liwanag at Dilim.

Malimit na pangyayari ang pinansin ni Dillan si Lily ng walang kadahilanan. Nakakabigla kung tutuusin dahil mailap ang binata sa kanilang lahi.

Naging malapit sila sa isa't isa at di kalaunan nagkaroon ang dalawa nang mas malalim pang nararamdaman bukod sa pagkakaibigan.

Sa ganoong paraan, mas naging malapit pa sila. Buong akala ng lahat ay hindi na sila mapaghihiwalay.

Noong ipapakilala na sana ni Lily ang kasintahan sa buong angkan ng Yin ay may biglang may nangyaring insidente.

Hindi sinasadyang matabig ng nakatatandang kapatid ni Dillan ang isa sa mga matatandang relika na pinakaiingatan ng ama ni Lily na naghudyat muli ng isang away sa magkabilang panig.

Kahit ba ang nagawa ay hindi sinasadya, naghudyat ito ng pagkasira muli ng tiwala at naging dahilan ulit ito ng paghahamon kaya muling nagsimula ang matagal nang nakabaon na girian.

Ang akala ng ama ni Lily ay ginagamit lang siya ni Dillian para sa sarili at kani-kanilang kagustuhan.

Ang dalawang panig ay muling nakagulo.

Gumawa nang paraan ang mga kaibigan ni Lily at Dillan upang pigilan ang gulo, ngunit wala pa rin silang magawa.

Hanggang maisip ng magkasintahan na doon sabihin ang kanilang tagong pag-iibigan.

Ngunit, isa pala itong masamang ideya.

Mas lalopa ngang tumindi ang gulo dahil ang ginawa nila ang sobrang ipinagbabawal sa kanilang mundo.

Inilayo ang dalawang magkasintahan sa isa't isa.

Hindi na muling hinayaang magkita ang dalawang nagmamahalan.

Ngunit, sino ba naman ang makakapigil sa bugso ng damdamin na sinamahan pa ng determinasyon?

Hindi sila nakapagtiis kahit alam nilang bawal lumabas, mas lalo na ang lumagpas sa kalagitnaan ng kanilang panig, ang binata at ang dalaga ay hindi inaasahang magtatagpo muli.

Undecided✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon