MACEY's POV
Hindi na ako dumaan sa G.H. at dumeretso na sa room namin kung saan lahat ay abala pa ring inaayos ang mga floats na ginawa namin sa daan.
Medyo nababahala nga yung organizers dahil makulimlim ang kalangitan, masisira yung buong event kasi magpapalipad kami ng lanterns.
Aligaga rin akong nag-aasikaso kung ano pupwede pang idagdag or pampatibay ng float nang hindi ko sinasadyang may matabig na babaeng naglalakad, humingi agad ako ng tawad sa kanya at aalis na sana ako pero hinila ako ng mga kasama niya.
"wag kang aangas-angas ah! Ako ang sumalo nag-alaga sa kanya noong nawala ka ngayon aagawin mo lahat ng pinaghirapan ko?!"
wala naman akong ginagawa sa kaniya pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya sa akin, na parang ang bigat ng kasalanan ko sa kanya eh nito-nito ko pa lang naman din siya nakita pero biglang nag-init na lang pakiramdam ko na sinasabing kailangan kong lumaban.
"Alam mo, kung hindi kasi para sa iyo kahit anong paghihirap mo hindi talaga ibibigay yan kaya wag mo ng ipilit." hindi ko alam kung saan nagmumula yung mga sinasabi ko pero nagulat na lang ako ng bigla niyang itinaas yung kamay.
Napapikit at napayuko na lang ako, hinihintay ko na lang din itong dumapo sa pisngi ko pero walang init akong nararamdaman.
"Sa susunod, wag mong aawayin ang kaibigan ko kundi pati ako makakaharap mo." Pagkadilat ko nakita ko na lang na hawak ni Angel yung kamay ni Jamina na gulat na gulat. Binitawan na rin ako ng mga alipores niya at lumayo.
Hinarap ako ni Alex, "Gurl, di ka naman pala away ah bakit may bigla-biglang sumusugod sayo?" hindi ko naman nasagot yung tanong niya sa akin dahil sumabat si Angel sa usapan namin.
"ganoon talaga yung babaeng yon. Masyado niyang pinilit sarili niya kay Jeremy. Kaya niya hinahanap si Ace" lumapit sa akin si Angel at hinawakan yung mukha ko. Tinitigan niya ako ng deretso sa mata at tumitig rin ako pabalik. "Kayanin mo ha!"
"STUDENTS OF CORUNUM UNIVERSITY, PLEASE PREPARE EVRYTHING WE WILL START OUR LANTERN PARADE IN 5 MINUTES. THANK YOU!"
"Sige Macey, una kami." paalam ni Alex habang hila-hila si Angel na mukhang naguluhan din sa kung ano mang sinabi ng babaitang ito.
Mga 4:30pm na nagsimula ang parade, kasama kami syempre. Yung iba ay nakamotor pero karamihan sa amin ay naglalakad paikot sa labas ng University.
Isang oras at kalahati rin ang tinagal ng parade kaya pagod kaming lahat. Nagsipuntahan na sa mga kainan mga kaklase ko habang yung iba ay kinuha ang mga paliliparing lanterns sa classroom, ako naman ay naiwan dito sa may float namin.
Hinihintay ko kasi si Kuya Em baka kasi biglang sumulpot pero I texted Angel na rin baka kasi hanapin niya ako, telling her na nandito lang ako sa float namin.
But, I felt like there's someone is going towards me, eh mag isa pa naman ako kaya natakot ako. Kung si Kuya Em yun, tatawagin niya agad ako pero walang nagsasalita eh. Naaaninag ko na parang nakablue na longsleeve siya at itim na maong pants.
I was about to panic and run pero nagsalita siya.
"Nakakaramdam talaga ako ng matinding lungkot sa float niyo." and I easily recognize that voice of his.
BINABASA MO ANG
Undecided✓
Novela JuvenilALMO/CORUNUM Series: The Origin "UNDECIDED" Author: JOYFUL_Mystery Status: COMPLETED "Langit sa lupa, magulo na mapayapa, karapatan at sala, ipinagbabawal o malaya, Kalungkutan man ang nadarama, saya ay di maipinta Ako'y bibitaw na, pero mahal pa r...