MACEY's POV
"Macey!"
"Macey!"
"Macey!"
Naririnig kong may nagtatawag sa akin galing sa malayo pero wala akong gaanong makita. Malabo pa rin ang paligid at may isang pigura na nasa harap ko.
Iniangat niya yung ulo ko at iniligay niya sa bisig niya. Hindi ko pa rin maaninag pero parang nakita ko na siya kung saan.
May sinabi siyang isang bagay bago ako bumalik sa kaayusan.
"Macey!"
"Macey!"
"Macey!"
Natauhan ako sa pagyugyog sa akin ni Tristan na puno ng pag-aalala. Nasalikod niya si Angel, Alex at Jeremy.
Niyakap niya ako agad ng sobrang higpit at tinatanong kung ano ba ang nangyari sa akin, kung maayos lang ba ako, kung may masakit sa akin pero hindi ako naka-respond parang naiilang pa ako sa presence niya.
Bakit ayaw magbukas ng puso ko?
Nahahalata na siguro ni Angel na hindi ako kumportable sa ginagawa ng lalaking nasa harap ko kaya tinapik niya ito.
"Trist, kami ng bahala ni Alex sa kanya." Aangal pa sana siya pero hindi niya na nagawa dahil tinulungan na akong tumayo ng mga kaibigan kong babae.
Halatang makikita kaagad ang pagkainis ni Tristan at napapadyak pa nga siya sa kanyang pagkaalis.
Lumingon naman ako sa likod ko pero si Jeremy ang nagkakuha ng atensyon ko na tila nangungusap ang kanyang mga mata sa gitna nang mahinang pagpatak ng ulan.
Magkaparehas sila.
~
"Mukhang may bumabagabag sayo. Ano bang nangyari kanina?" tanong sa akin ni Angel na may dala-dala ng mga basong may tsaa.
"Oo nga friend, halos di lang naman tayo nagkalayo ng distance pero nung nakita ka namin nakahiga ka na agad." sabi naman ni Alex na may hawak-hawak na pansit canton na iniluto niya. "Wala naman kaming narinig na sigawan o panlalaban, wala rin kaming nakita na tao sa paligid mo." dagdag pa niya
Kanina pa ako nakatulala dito sa balkonahe. Dito na kami dumeretso nila Angel pagkatapos ng nangyari. Naririnig ko sila pero hindi ako makasagot kasi iniisip ko kung paanong napunta sa matandang iyon yung notebook ko.
Sa pagkakatanda ko ay naiuwi ko naman iyon noong huli kaming magkasama ng kapatid ko. Baka nalaglag ko?
Ngayon, ipinatong ko muna iyon dito sa may ilalim ng coffee table na tinakpan ko ng flyers at pamplhets para kahit papaano ay hindi pansinin pero hindi mawala sa paningin ko.
Bumalik na lang ako sa wisyo ko nung kinalabit ako ni Alex, "Uy! May kausap ba kami?" sabi pa niya habang nakataas yung kilay niya.
I really don't know how to explain unbelievable sort of things baka kasi hindi sila maniwala sa akin but still, ayokong kimkimin to.
"Hindi ko alam kung paano sisimulan." yan ang lumabas sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
Undecided✓
Teen FictionALMO/CORUNUM Series: The Origin "UNDECIDED" Author: JOYFUL_Mystery Status: COMPLETED "Langit sa lupa, magulo na mapayapa, karapatan at sala, ipinagbabawal o malaya, Kalungkutan man ang nadarama, saya ay di maipinta Ako'y bibitaw na, pero mahal pa r...