MACEY's POV
"HAPPY BIRTHDAY MACEY!!!"
Ito kaagad yung bumungad sa akin pagkababa ko. Singing the Happy Birthday song and making everything cheerful.
Andito silang lahat sa salas ko. Sila kuya, dennis at junnah, yung buong tropa, ang wala lang ay si Eros.
I checked my phone for any updates pero hindi man lang siya bumati. Nakalimutan niya ata ako? Masyado ba siyang nag-eenjoy sa Dubai?
Well, I guess busy siya kasama families nila ni Jamina.
I slip out a smile kahit pilit.
"Oy Macey dali! Make a wish!" sabi ni kuya sa akin.
Agad naman akong lumapit sa cake na hawak ni Tristan.
I close my eyes and silently wished that everything would turnout fine. No more heartbreaks and confusions.
Damang dama ko yung ginagawa ko, bakit ba? Moment ko ito eh! Kaya unti-unti ko namang binukas ang mga mata ko saka ko hinipan yung kandila.
Pero napaatras ako kaagad kasi bigla akong pinahiran nila Jester at Michael ng icing sa mukha. Nakatutok din yung camera sa akin ng dalawa kong kaibigang babae habang tuwang tuwa, may kasama pang hiyaw.
Pumahid din ako sa cake ko saka ko nilagayan kung sino man yung maabutan ko.
Tawa kami nang tawa dahil lahat kami ay may icing sa mukha.
They made me happy. At least.
Ilang sandali pa ay tapos na kaming maghilamos ni Angel. Nauna na kaming kumuha ng handa saka umupo sa sofa.
"Nakita mo na?" paninimula niya ng usapan. Tahimik lang ako tumango, hindi ko siya tinitignan baka kapag lumingon ako eh bumuhos yung luha ko. Ayoko namang maging malungkot itong araw ko!
"'Di pa nga ako binabati kaya ayon extra sadness and hurting." pag-amin ko naman.
"Malay mo naman pinilit lang sila na magpicture?" sabat naman ni Alex na katatapos lang ding maghilamos at manguha ng pagkain.
"Oo nga! Alam mo naman yung kaganapan ng families nila." pagsang-ayon naman ni Angel.
Napangiwi na lang ako at naglabas ng buntong hininga saka papilit pang tumango.
Alam ko yon!
Gets ko naman lahat!
Pero ang komplikado nga kasi pinipilit pa rin namin itong di maawat na pagmamahalan naming ito!
After a while, sa kagustuhan ng mga boys na magswimming, sa bahay na nila Jester itinuloy yung birthday celebration ko. Hindi na sumama si Kuya Jep dahil may kailangan pa siyang ayusin sa work same as Ate Athena.
Pinasama naman sa amin itong dalawang chikitings na yung pool lang din yung habol.
Hindi namin inakala na ganito pala kayaman ang mga Antonio, ngayon pa lang kami nakapasok sa villa na pagmamay-ari nila. Nakakalula sa lawak.
Sa harap ng mansion nila kami dinala at tumakbo naman sa palikuran yung pamangkin ko para magbihis. Yung mga boys naman ay nagtanggal na lang ng gusto nilang tanggalin saka lumusong sa pool na nasa likod.
BINABASA MO ANG
Undecided✓
Подростковая литератураALMO/CORUNUM Series: The Origin "UNDECIDED" Author: JOYFUL_Mystery Status: COMPLETED "Langit sa lupa, magulo na mapayapa, karapatan at sala, ipinagbabawal o malaya, Kalungkutan man ang nadarama, saya ay di maipinta Ako'y bibitaw na, pero mahal pa r...