PSYCHE's POV
Bilis lang pala ng panahon, nakapag cruise na ako, maayos na ang lahat. Yung gulo? Wala na rin gaano. Hindi na rin nila gaanong napapansin kasi nga napagod na rin sila sa patayan. Although mayroon pa ring tutol ang pinaka apektadong pamilya ay umayaw na.
Lahat naman siguro titgil na sa gulong marami ng nawala at mas mabuting magbigayan na lang.
Hindi na maibabalik ang nakaraan, talagang maraming nagbago pero naisaayos naman na ang lahat.
Pero syempre! Bumalik na sa dati yung pangalan ko! Yey! I am Irish Psyche Jane again.
Marami mang inayos na papeles dahil sa papalit palit na pangalan buti na lang na-manage mabuti kaya hindi ako nahirapang sumakay sa barko.
Okay na rin sila Junnah at Kuya Jep. Maayos na ang kalagayn nila, palagi pa ngang nasa highest ranking tong pamangkin kong to.
Si Dennis masaya na rin siya sa love life niya kahit papano. Sabay nilang tinatapos ni Stacey ang kanilang pag-aaral. Wala na rin naman ng tutol sa kanila dahil kitang kita mo naman sa kapatid kong ito ang kanyang pagsisikap para lang mapatunayan sa sarili at sa pamilya ng kanyang minamahal ang kanyang mabuting hangarin at pagiging tapat. At successfully lumalago pa ang kanyang buhay pag-ibig.
Sila Mommy at Daddy? Okay naman na sila. Wala ng gulo. Namamahinga na sila. Ako na ang naglayo sa kanila sa gulo since ako naman may kasalanan para lumala ito, ako na lang bumabawi. Paunti-unti natutupad ko ito.
Syempre kasama pa rin ng tulong nila nakapag patayo kami ng isang resort designed by my soon to be licensed engineer brother and managed by my business man big brother. Ako? Syempre ako sa restaurant ng resort na yun!
Narito na kami sa bandang Norte.
Malayo sa lugar ng nakaraan.
After five years nagkaroon na kami ng fresh start.
Pagkatapos ng taong iyon unti-unti ay nagkakasundo ang pamilyang hindi mo matanto dahil sa agawan ng titulo.
Five years...
Okay na kami
Maayos na ang lahat
Ang kaso nga lang, kung kelan naging okay ang lahat hindi na kami pupwede ni Eros.
I am not sure but, I heard na engaged na siya, kasi after niyang umalis muli noon para sumama sa mama niya wala na akong narinig pero hindi ko pa rin inaalis yung bracelet na ibinigay sa amin nung mga bata na pupwede ko namang alisin anytime kasi wala naman na eh.
Maybe wala lang yung paluhod luhod niya sa noong huli naming pagtatagpo? Tapos pinanghugutan ko pa ng lakas yung last letter niyang yon!
Hmppp!!! Baka hanggang salita lang siya!
Sabagay hindi mo naman talaga sigurado ang mangyayari in the future na kahit gaano pa kayo magplano eh madali lang mabulilyaso yun ng letcheng mga putanginang kagahamanan at kasakiman na yan!
Sabi nila masyado raw ko naghold-on kaya para akong tanga na hindi ko daw maalis yung bracelet, yung kwintas at yung singsing
But, I really felt magic back then!
Oo, magic...
Hindi nga pala totoo yon.
ISANG MALAKING PANTASIYA!
BINABASA MO ANG
Undecided✓
Fiksi RemajaALMO/CORUNUM Series: The Origin "UNDECIDED" Author: JOYFUL_Mystery Status: COMPLETED "Langit sa lupa, magulo na mapayapa, karapatan at sala, ipinagbabawal o malaya, Kalungkutan man ang nadarama, saya ay di maipinta Ako'y bibitaw na, pero mahal pa r...