MACEY'S POV
"tita Macey! Ano po iyan?!" napabalikwas ako sa pamangkin ko na nasa likuran ko na pala.
Agad-agad kong itinago sa likod ko yung notebook although it's too late kasi nakita na niya.
"Tita, diyan ka ba kumukuha ng bedtime stories na sinasabi mo sa akin?" nagniningning ang mata ni Junnah, wala naman na akong magagawa kasi nakita na niya at hindi ako titigilan na kulitin nito.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa batang ito pero hindi naman siguro masama na may isa pang makaalam ng istorya namin. Tutal, hindi naman niya kilala si Eros"ahh... Ehh... Oo, dito nga ako kumukuha."
"Pahiram ako tita! Gusto ko ako yung pumili!" pero nag-alinangan akong ibigay sa bata ang kwaderno.
Nagulat siya sa ginawa kong pagbawi pero dahan-dahan ko rin itong ibinigay sa kanya na nagpangiti naman sa kanyang inusenteng mukha.
Naalala ko ang aking kamusmusan.
Binubuklat niya ang bawat pahinang nabasa ko kanina at huminto sa paglipat. 'Jan-jan na Torpe' bigkas ng labi niyang hindi nilabasan ng boses.
"Tita Macey!! Eto po yung gusto kong basahin mo sa akin." Inilahad niya sa akin yung kwaderong kulay lila na nakabukas sa isang pahinang nagdala ng kirot sa aking puso at luha sa aking mata.
Nginitian ko siya at ginulo ang kanyang buhok"Oh sige, tara na sa taas ah... At pagkatapos kong basahin ito matutulog ka na!"
"Opo!" masigla niyang tuon sa akin.
Muli kong inalala ang magulong love life ng torpe kong kaibigan, gaya ng nakasulat doon o muli kong inalala ang katangahan ko sa kanya.
~~~
Sa lahat ng napasok na relasyon ni Jan-Jan, kahit isa wala pa siyang na seryoso.
Lahat puro libangan, pang past time lang.
Lagi kasing gustong makipagkita ng katext niya pero nahihiya siya o kaya kapag ayaw niya yung tao, tinatamad siya.
Napakatorpe nga naman ng isang tulad niya!
Ang sarap kaladkarin palapit!
Laging nilalamon sa isang tabi.
Pero hindi inakala ng lahat na papasok ang babaeng iyon sa buhay niya.
Ang babaeng kaya siyang palapitin, paaminin at gawing seryoso.
Siya si Jane.
At oo, ako si Jane.
Mahiyain din yan! Pero bilib ako sa kanya.
I am so flattered of myself, sariling buhat ako ng bangko dito ah!
BINABASA MO ANG
Undecided✓
Подростковая литератураALMO/CORUNUM Series: The Origin "UNDECIDED" Author: JOYFUL_Mystery Status: COMPLETED "Langit sa lupa, magulo na mapayapa, karapatan at sala, ipinagbabawal o malaya, Kalungkutan man ang nadarama, saya ay di maipinta Ako'y bibitaw na, pero mahal pa r...