Prologue

516 18 6
                                    


"Ma'am Aubrey, we will start in a few minutes so get ready. Mangyaring lumabas na lang po kayo kapag okay na dahil naka-pila na po 'yong ibang mga models sa back stage. Mr. Vistan is also looking for you."

"Yeah, thanks anyway. Paki-sabi naman sa kaniya na I'll be there, asap." naka-ngiting tugon ni Aubrey Maurelle kay Ivy na assistant ng "How to be Fab?", isang photo shoot magazine na pa-tungkol sa mga trending o mga nauusong mga kasuotan, gadgets, health at iba pa. Mayroong big event ang mangyayari maya-maya lamang. The new collections of dress and other outfits ng isang sikat na fashion designer lang naman na si Ms. Sabrina Siofra Samonte o mas kilala bilang si Ms. S ang mismong nagdisenyo ng mga dress na isu-suot nila sa buong event. The night is still young and the spontaneous show hasn't started yet.

"Noted ma'am," naka-ngiti at maagap na turan ni Ivy at ilang saglit pa'y lumabas na ito ng kaniyang dressing room.

Matapos siyang sunduin ng isang assistant ay tiningnan niya muna ang kaniyang replika sa harap ng salamin na may naka-palibot na mga bombilya. She's wearing a black silhouette with a touch of a narrow v neckline, wherein the glittering cloth is perfectly curved her sun-kissed body nor a
morena and also with a backless effect. The designer paired it with a white diamond necklace, bracelet, a two-inches diamond earings and with an eight-inches white high heels on. Her hair was ponytail like a bun and had strips of curly hairs beside her face. Nang makuntento siya sa kaniyang ayos ay lumabas na rin ito ng dressing room.

***

"Ladies and gentleman, let's all witness the fabulous men and women collections from the stupendous mind of none other than, How to be Fab magazine!" masiglang bungad ng isang lalaking host sa naturang fashion night event.

At nagsimula nang rumampa isa-isa ang mga nagga-gandahan at nagga-gwapuhang mga modelo sa isang simple ngunit sopistikadang runway stage suot ang mga makukulay at bagong likha ng isang napaka-husay sa larangan ng pagde-disenyo ng mga damit at iba pang mga kasuotan. Sa kalalakihan nama'y ini-rampa nila ang iba't-ibang tuxedo at pants na tinernuhan ng bow o 'di kaya'y necktie. Sumabay rito ang isang katamtaman sa bilis na musika na mas lalong nagpa-tingkad sa fashion show, habang kung sino na ang sa-salang na modelo sa harapan, patungo sa gitna maging sa pagbalik sa unang pwesto'y tinatapatan ng isang spotlight upang makita ng lahat ng manonood na naroon kung gaano ka-ganda ang disenyo ng mga damit maging kung gaano ka-elegante nila itong dalhin ng may sapat na lakas ng loob.

Sunod na rumampa si Aubrey Maurelle. Kumpyansa itong naglakad patungo sa gitna ng entablado at ipinamalas niya ang angking galing sa pagmo-modelo. Dinig na dinig ang masigabong palakpakan, mga samut-saring papuri at magagandang mga komento sa dalaga, maging ang ibang mga kalalakihang nanonood ay nabi-bighani sa taglay nitong ganda at karisma. Kahit yata basahan ang ipa-suot dito'y kayang-kaya niyang dalhin dahil sa taglay nitong malambing na awra sa madla.

At sa 'di kalayua'y tila na-hipnotismo rin ang isang makisig na binata rito.

"Noon hindi ako naniniwala sa destiny pero nang makita kita, naramdaman ko na... ikaw na ang itinadhana para sa'kin." bulong ni Austin sa kaniyang sarili. Walang pagsidlan ang pag-ngiti niya habang nakatulala itong kumukuha ng litrato sa dalaga.

******

Hopelessly Devoted
by: Delightful_Harmony

This is a work of fiction. Any names, places are fictitious unless otherwise stated. Any resemblance to a real person, living or dead or actual event are purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be produced, distributed, or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author.

*****

Mga ka-devoted sana suportahan niyo ito. I'll give you a good story, not just a promise and not a cliche one. Give me also your response by commenting how was it? Arigatou.❤

Hopelessly Devoted (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon