Chapter 12

136 7 0
                                    

Yverson

"My... I mean Aubrey, sa'n mo gustong pumunta? My treat." galak na paanyaya ko sa masungit kong sinisinta.

At last, napapayag ko na rin siya!

"Kahit saan..." walang gana nitong sabi. Hindi man lang ito nag-abalang tingnan ako. Siguro kinikilig siya 'pag nakikita niya ang mukha ko kaya hindi niya kayang makipag-eye contact sa'kin.

Nasa loob kami ngayon ng sasakyan ko. Ayoko pang pauwiin ang prinsesa ko kaya't maghahanap muna ako ng pwedeng pasyalan naming dalawa.

"Let's go! Puntahan natin ang kahit saan na 'yan!"

"Yverson!" bulyaw nito sa akin. Pinandilatan pa niya ako ng kaniyang mapupungay na mga mata. Bakit gano'n? Kahit galit si Aubrey eh ang ganda pa rin niya? Ano bang sikreto mo?

"Yes my love?" I grin at her. Lumingon ako sa kanang bahagi para masulyapan ang maamo nitong mukha. She's such a perfect girl!

"Shut up!" gigil nitong asik sa'kin.

"Niloloko mo ba 'ko huh? Don't ruined my day, please! Kung ayaw mong mamasyal ng mag-isa!"

"Okay, chill." I raised both of my hands. Lagi na lang akong sinusungitan nito. 'Di bale, mapapaamo rin kita. "Hindi pa nga tayo eh. Bakit naman kita lolokohin?"

"Argh!" gigil na sigaw nito sa akin. Alam mo namang high lang ako sa pagmamahal sa'yo, my Aubrey. 'Di ka naman mabiro.

I come closer to her hindi para magtake advantage sa kaniya. I'm a gentle person at hindi ko 'yon magagawa sa Aubrey ko.

"Hoy ano 'yan? Go away!" Napapitlag ito sa kaniyang kinauupuan nang patuloy nga ako sa paglapit sa kaniya. Iniiwas niya sa'kin ang kaniyang mukha at agad na humarap sa kaliwang direksyon. Her heart is racing. Dinig na dinig ko ang mabilis at malakas na pagtambol ng kaniyang puso. Naamoy ko ang mabango nitong hininga maging ang gamit niyang pabango. It smells so sweet and very feminine.

"Relax, okay?" simpleng komento ko kay Aubrey. Hinila ko ang seatbelt niya na malapit sa windshield ng aking sasakyan at tsaka inilagay iyon sa kaliwang bahagi ng kaniyang katawan. When I pull and stretch it well, I finally locked it near her left waist. Nang mai-ayos ito ay dahan-dahan akong umayos sa aking kinauupuan, sa driver's seat at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Inayos ko lang 'yong seatbelt mo. Hindi mo pa kasi kinakabit."

"T-thanks," she nervously stated.

"Wala 'yon." naka-ngiti kong tugon at pagkatapos ay muli ko itong kinulit at tinanong. "Seryoso na kasi Aubrey. Wala ka bang gustong puntahan?"

"None. It's up to you." she uttered along with her poker face.

Napailing na lang ako. Mukhang mahihirapan at wala akong makukuhang matinong sagot sa'yo. Magka-gano'n man, hinding-hindi ako susuko. 'Yong puso mo para lang 'yang hilaw na karne... kulang lang sa pagpapakulo. Mapapalambot ko rin 'yan.

Minani-obra ko na ang sasakyan patungo sa kung saan. I know a perfect place for us!

Nanatiling tikom ang bibig ni Aubrey sa buong byahe. Ni hindi man lang niya naisip na kibuin o harapin ako.

She laid her head to the windshield of my car. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip niya sa mga oras na ito pero isa lang ang alam ko... bwisit na bwisit na 'to sa akin at anytime bugbog ang aabutin ko rito 'pag nagkataon.

Hopelessly Devoted (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon